Friday , November 22 2024
The Guardian Viva Nam Woo Hyun Park Eun Hye Han Jae Seok Yassi Pressman

The Guardian ng Viva kaabang-abang; Parallax Studio, Robosheep Studios, GV Labs, Will Studios, Viva Films, at Ovation Productions sanib-puwersa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ANG bongga naman ng bagong project ng Viva Films, ang The Guardian. Collaboration kasi ito ng Pilipinas at South Korea kaya exciting at tiyak na aabangan ng marami ngayong 2024.

Tiyak din na maraming Pinoy fans ng K-movies ang matutuwa dahil mapapanood na nila ang mga paborito nilang Korean stars sa isang pelikula na ginawa sa Pilipinas.

Ang The Guardian ay pagbibidahan ni Nam Woo Hyun, vocalist ng Korean idol group na Infinite, kasama ang Steel Rain at Alchemy of Souls actress na si Park Eun Hye, at Hallyu star na si Han Jae Seok.

Isang action-drama ang The Guardian na tungkol sa mapagmahal na anak na haharapin ang lahat at kahit na ano para sa kanyang ina.  

Si Park Do Jun (Nam Woo Hyun) at ang kanyang ina na si Mi-jin (Park Eun Hye) ay mga Korean national na lumipat at naninirahan sa Pilipinas. Noong nasa Korea pa, nagpakita ng husay at talento si Do Jun sa Taekwondo at nangarap maging isang national player, pero kinailangan niyang isuko ang mga pangarap na ‘yon para makasama ang ina.

Kahit na mahal na mahal ni Do Jun ang ina, madalas silang magtalo at hindi magkaintindihan dahil sa labis na pagsusugal ni Mi-jin. Sa paglipas ng mga taon, mas lalo pang lumala ang pagsusugal ni Mi-jin at umabot na sa punto na kinailangan na ni Do Jun na magdrop-out sa kolehiyo at maghanap ng trabaho para masustentuhan ang sarili. Makikilala niya sa trabaho at magiging kaibigang sina Sandara (Yassi Pressman), na pangarap maging K-pop star, at si Coco (Eric Ejercito).

Isang araw, mawawala si Mi-jin at makatatanggap si Do Jun ng balita na nakidnap ang ina ng isang notorious gang leader (Han Jae Seok) na nagpapatakbo ng pinakamalaking Korean criminal organization sa Pilipinas.

Samantala, inihayag naman ng may-ari ng Parallax Studio na si Wesley Villarica ang co-production na magaganap ng Parallax Studio, Robosheep Studios, GV Labs, Will Studios, Viva Films, at Ovation Productions para sa pelikulang The Guardian. 

Ang Robosheep Studios ay isang pioneering film, video at VFX company sa Pilipinas na nakagagawa ng on-set virtual production. Gamit ang real-time 3D creation ng Unreal Engine, ang mga komplikadong visual effects na kadalasan ay ginagawa sa post- production ay pwede na ngayong makuhanan in-camera, na makatutulong para mas magkaroon ng creative control at flexibility ang mga direktor at producers. Sa mga paggamit ng locally engineered LED stage at mga virtual camera tracking, kaya ng Robosheep na gawing makatotohanan at immersive ang mga digital worlds at dalhin sa set ng mga pelikula, TV, virtual reality at sa marami at magagawa pang ibang media platforms.

Ang Parallax Studio naman ang nagsu-supply ng demands para sa lifestyle, fashion, food, product, at iba pang corporate photography at video production needs. Ang studio ay nag-o-offer ng mga high end camera at lighting equipment, gayundin ng mga rental spaces. Mayroon din silang wide variety ng mga equipment at services para ma-achieve ng creatives ang gusto nilang infinite visual sa bawat proyektong gagawin nila.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …