Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

No. 1 MWP, 18 akusado swak sa hoyo

HUMANTONG sa matagumpay na pagkakadakip sa isang most wanted person (MWP) at iba pang wanted na kriminal ang operasyon ng pulisya sa Bulacan kamakalawa hanggang kahapon ng umaga.

Una, ang maigting na pursuit operation ng tracker team ng San Miguel MPS, na nagresulta sa matagumpay na pagkakadakip kay Gilbert Victoria na nakatala bilang No. 1 MWP – Municipal Level sa Brgy. Biclat, San Miguel, Bulacan.

Nag-ugat ang pag-aresto sa akusadop sa warrant of arrest na inilabas ng Presiding Judge ng RTC, Third Judicial Region, Branch 83, City of Malolos, Bulacan, kaugnay sa paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunition).

Samantala, sa operasyong inilatag ng tracker team mula sa 1st at 2nd PMFC, Norzagaray, Calumpit, CSJDM, at Guiguinto C/MPS ay humantong sa pag-aresto sa 18 indibiduwal na pinaghahanap ng batas dahil sa iba’t ibang krimen at pagkakasala, batay sa mga warrant na inilabas ng korte.

Ang mga naarestong indibiduwal ay kasalukuyang nakakulong sa kani-kanilang yunit/estasyon ng pag-aresto habang nakabinbin ang proseso.

Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO,  ang walang humpay na pagtugis ng pulisya sa mga wanted na kriminal ay sumasalamin sa kanilang  pangako sa mandato ni RD, PRO3 P/BGeneral Jose S. Hidalgo, Jr., sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Gitnang Luzon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …