Friday , January 10 2025

Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw

You have heard that it was said ‘eye for eye, and tooth for tooth.’ But I tell you, do not resist an evil person. If someone strikes you on the right cheek, turn to him the other also.”—Jesus Christ

NAPAKAGANDA nang ipinalabas na desisyon ng Court of Appeals na kinakatigan ang naunang desisyon ng Office of the Ombudsman na ibasura ang kasong administratibo at kriminal na isinampa ng Dealco Farms Inc., sa ating butihing Alkalde Alfredo Lim at sa ilang opisyal ng Manila City hall at Manila Police District (MPD).

Ito ay may kaugnayan sa naganap na pag-take over ng Lungsod sa pamamahala ng Vitas Slaughterhouse noong Hulyo 2008 mula sa pamilya niManila 1st District Councilor Dennis Alcoriza.

***

MALAKING indikasyon ito na tama ang mga ginawang aksyon ni Mayor Lim at mali naman ang akusasyon at ibinibintang sa kanya noon na illegal umano niyang kinuha ang nag-iisang matadero sa Maynila.

Sa 17-pahinang desisyon ng CA nitong Setyembre 13, 2013, muling ibinasura ng Appealeate Court ang paghahabol ni Jocelyn Alcoriza, executive vice president ng Dealco Farms Inc., dahil sa kakulangan ng ebidensya na masampahan si Mayor Lim at iba pa ng administrative case na conduct prejudicial to the best interest of the service.

***

MALINAW na legal ang ginawang aksyon ni Mayor Lim noong Hulyo 11,2008 na i-take over ng Lungsod ang pamahahala ng Vitas Slaughterhouse dahil na rin sa paglabag sa kasunduan at panunuba sa pagbabayad ng buwis ng Dealco Farms sa city hall.

Ayon sa CA:

“It is undeniable that the extrajudicial rescission of the contract by the City of Manila was expressly allowed by the same document,while the taking over of the possession, control and management of the slaughterhouse was clearly permitted by the compromise agreement…the city of Manila is free to enforce its rights and remedies without seeking court intervention…resort to judicial action is necessary only in the absence of a special provision granting the power of cancellation.”

***

IPINALIWANAG ng mga CA Associate Justices na sina Rosalinda Asuncion-Vicente at Priscilla Baltazar-Padilla na makatwiran ang naunang desisyon ng Ombudsman na walang nilabag na batas sina Mayor Lim, City Legal Officer Atty. Renato dela Cruz, Sr. Supt. Alex Gutierrez, dating deputy director ng MPD, Chief Of Staff Ric de Guzman, City Administrator Jay Marzan, Department of Public Service (DPS) chief ret. Col. Carlos Baltazar, dating veterinanry chief inspector ret. Col. Francisco Co at dating MPD Station 1 Commander Col. Rolando Miranda sa naging aksyon nila sa pagkuha sa matadero.

Ipinawalang-bisa ang kasong administratibo dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya habang ibinasura rin ang kasong kriminal dahil sa kawalan naman ng probable cause.

***

HINDI binigyan halaga ng CA ang akusasyon ng magkapatid na Jocelyn at Dennis Alcoriza na marahas silang pinalayas sa loob ng slaughterhouse.

Pahayag ng CA:

“As we cannot even impute bad faith to the respondents, the accusation against them …which requires the existence of evident bad faith will not prosper….. except the bare allegation of the complainant, practically no other evidence was ever presented to substantiate the charge against the respondents.

***

IPINAPAKITA lamang sa desisyon ng CA na walang ginagawang maling hakbang si Mayor Lim sa ilalim ng kanyang anim na taon panunungkulan sa Manila City hall

Legal at makatwiran ang kanyang mga naging pagkilos. Walang pagnanakaw, walang illegal. Nalalaman tuloy sa desisyon ng korte kung sino ang nagsisinungaling at kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Tama talaga ang kasabihang, ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw!

TEXT REACTIONS

Che, dpat ibulgar dn po nyo ang screening sa pagtanggap ng trabaho sa city hall, dpat itakwil mo muna si Mayor Lim, para tanggapin ka ‘yan po ang patakaran sa City Personnel at ni ct ad, patago na lang po numero ko empleado po kc ako——number witheld.

Chairman Santos, tama po kau nami2li ng ka2mpi si honey lacuna kung sino ang bi2gyan nya ng calamity fund, walanghiya pati pgtulong pinopolitika pu…..! —0916777231+++

Ma’m, bket po wala p rin kmi sweldo hanggang ngaun d2 sa city hall? Delay ang sweldo namin akala ko my pagba2go n sa maynila, gingawa kmi timawa sweldo n nga namin un!—093288901+++

akala ko po ba wala ng “tong” sa maynila? Baket po andami pa rin umiikot d2 tga cityhall nango2lketa samin mga vendors d2 sa divisoria at carriedo, paging Mayor Erap sana po maimbestigahan nyo po ito! 093519380+++

Sbi hnde dw magba2was ng traffic enforcers ang MTPB, yun pla iniisa isa na nila kami, lalo na kapag nalaman maka-Lim ka, sibak ka agad, walanghiya talaga ‘yan si carter! —anonymous

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *