MAS pinalakas pa ang primetime newscast ng TV5 na Frontline Pilipinas dahil ang award-winning journalist at news frontliner na si Jiggy Manicad ay makakasama na bilang news anchor nito simula Enero 2024.
Mula sa dalawang dekada niyang paglilingkod bilang broadcast journalist, mas magiging malawak pa ang ihahatid na public service at news coverage ni Jiggy sa kanyang bagong misyon sa TV5.
Nakilala dahil sa kanyang dedikasyon sa paghahanap ng katotohanan at sa kanyang natatanging storytelling, bitbit ni Jiggy ang kanyang makulay na experience bilang journalist sa kanyang pagsabak bilang Frontline Pilipinas news anchor kasama sina Luchi Cruz-Valdes, Cheryl Cosim, Julius Babao, Ed Lingao, Lourd De Veyra, Kaladkaren, at Mikee Reyes.
“With the remarkable growth achieved by Frontline Pilipinas as a preferred choice of more Filipinos for accurate and timely news, bringing Jiggy onboard will not just add depth and experience to our primetime newscast, but it will more importantly bolster our capacity to provide the best kind of public service that our Kapatid viewers deserve,” pahayag ni TV5 President and CEO Guido R. Zaballero.
Mula sa pagiging field reporter hanggang sa maging anchor at correspondent, nagsilbing boses ng maraming Filipino si Jiggy sa paghahayag niya ng istorya at balita tungkol sa mga ito.
“Jiggy is an exemplar of earnest, do-all-possible, get-to-the-bottom everyday reporting that broadcast journalists should follow. News5 can only get stronger with Jiggy in the team. He will up our game a couple of notches,” ani TV5 Head of News and Information na si Luchi Cruz-Valdes.
Maging updated sa latest news sa Frontline Pilipinas, Lunes hanggang Biyernes, 6:30 p.m. sa TV5.