HINIMOK ni Rep. Dan Fernandez ang Kongreso na hatiin sa tatlo ang pag-aaring prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco) kasunod ang akusasyong monopolyo at kabiguang maserbisyuhan ng tama at maayos ang 7.6 milyong customer nito na kung saan ay nagkaroon pa ng sobra-sobrang singil sa loob ng nakalipas na siyam na taon. Sa isang privileged speech ni Fernandez, panahon na upang rebyuhin at hatiin sa tatlo ang prangkisa ng Meralco na lubhang dinominante na ang power industry. Tinukoy ni Fernandez na kontrolado na ng Meralco ang 70 porsyento ng elektrisidad sa Luzon na kung saan nagiging dahilan upang kanilang manipulahin ang operasyon ng power producer at sellers. “They control the whole NCR, Metro Manila, they control the whole Calabarzon including my province, Laguna,” ani Fernandez. At dahil aniya, sa laki ng sakop ng Meralco ay tiyak na naapektuhan ang pagbibigay serbisyo nito sa publiko kung kaya’t marapat lamang na hatiin ang prangkisa nito upang higit na makapagbigay serbisyo. Pinunto ni Fernandez na dahil ang 60 porsyento ng domestic product ng bansa ay galing sa NCR, maaring manipulahin ng MERALCO ang economic growth ng bansa dahil sa kontrolado niya ang elektridad sa Luzon. Dahil dito, sinabi ni Fernandez na maaring hatiin sa tatlo ang prangkisa lalo na’t ang Meralco ang nagpapatakbo sa Luzon kabilang ang NCR, South Luzon (Calabarzon) at North Luzon na sakop ang Pampanga at Bulacan na kanila rin sakop. Magugunitang napaulat na ang Metro Pacific Investment Corp. (MPIC) ang mother company ng Meralco ay binibili ang natural gas power plant sa Ilijan, Batangas. Ang naturang planta ay mayroong 2,500 megawatt capacity at gumagamit ng combined cycle natural gas sa pagpapatakbo nito. “If you combine the assets of Meralco and Ilijan Power Plant, they will be creating a vertical integration system wherein they will controlling fuel supply, imported fuel facilities, power supply and distribution under one board of directors,”dagdag ni Fernandez. Naniniwala si Fernandez na maari pang itama ng Kongreso ang ipinagkaloob nilang kapangyarihan sa Meralco sa ilalim ng Republic Act 9513 na naging dahilan upang maging isang monster at super franchise ito. Iginiit ni Fernandez na mayroong kapangyarihan ang Kongreso na amiyendahan, isuspinde at bawiin ang prangkisa ng sinumang pinagkalooban nito. Binigyang-diin ni Fernandez na bago bilhin ng Meralco ang Ilijan Power Plant na tinatayang nasa 700 milyong dolyar ay mabuti pang ibalik muna nito ang refund na sobrang kinolekta nito sa 7.6 milyong customer sa Luzon. Matatandaang noong 2015 ay kinukwestyun na ni Fernandez ang irregular manner ng Meralco sa pagkuwenta nito sa kanilang average capital cost na kung saan hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nilalabag ng Meralco. Dahil sa ilalim ng Energy Regulatory Commission ay obligado ang mga power distribution na magsagawa ng regular na review at recompute sa kanilang average capital cost. Nagtataka rin si Fernandez na sa kabila na tapos na ang Asian Financial crisis ay patuloy pa ring ginagamit ng Meralco ang weighted average capital cost upang itago at pagtakpan ang kanilang lumolobong kita.
Panukala sa Kongreso
Check Also
Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW
The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …
MOHS acquires major pharma company
In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …
First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo
PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …
Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para sa 2025 senatorial race
KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …
Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO
DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …