Friday , April 25 2025

Nouri nasikwat ang ika-2 puwesto (Hongkong Open Chess:)

NASIKWAT ni Fide Master Hamed Nouri ng Pilipinas ang solong ika-2 puwesto dahil sa  panalo kontra kay FM Tsang Hon Ki ng Hongkong matapos ang sixth round ng Hong Kong International Open Chess Championships 2013 Lunes sa Convocation Room, Main Building room 218, The University of Hongkong, Pok Fu Lam Road, Hongkong.

Sa panalo ni Nouri,  nakakolekta siya ng  5.0 points, half point behind kay overnight solo leader top seed International Master Marcos Llaneza Vega ng Spain (5.5 points), na nakaungos kay National Master Roel Abelgas ng Pilipinas.

Napako naman si Abelgas sa 4.5 points, gaya ng naitala nina FM Deniel Causo ng Pilipinas, Li Bo ng China at Daniel Lam ng Hongkong.

Nakisalo naman sina National Master Nelson Villanueva at Woman Fide Master Marie Antoinette San Diego ng Pilipinas sa 7th position na may tig 4.0 points habang si world youngest Fide Master 7-year-old Alekhine Nouri ay mayroong 2.0 points.

(Lovely Icao)

About hataw tabloid

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *