Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kaila Estrada JM de Guzman Maricel Soriano

Kaila nakakasabay kina Maricel, Paulo, JM

ANAK nga siya ni Janice!” Ito ang naririnig naming komento kay Kaila Estrada dahil sa epektibong pagganap nito bilang si Sylvia sa Linlang na asawa ni niloloko ng aswang si JM de Guzman.

Alam naman natin kung gaano kahusay umarte ni Janice de Belen kaya hindi malayong ikompara si Kaila sa kanyang ina gayundin sa kanyang amang si John Estrada na hindi rin matatawaran ang galing sa pag-arte. 

“I am so grateful that there are people that appreciate my character Sylvia and that they love her as much as I do. 

“I’m so happy and I feel so grateful. Kaya maraming-maraming salamat sa mga nagmahal at sumuporta kay Sylvia and sa ‘Linlang’.”

Inihayag din ni Kaila na nagpapasalamat siya sa mga natatanggap na papuri sa kanyang pag-arte bagamat para sa kanya marami pa siyang dapat i-improve.  

Nagpapasalamat si Kaila sa mga aktor na kasama niya sa Linlang dahil dito rin siya humuhugot kung paano epektibo niyang magagampanan ang role na asawa ni JM. Hindi rin naiiwanan si Kaila ng mga beterano nang aktor na tulad nina Maricel Soriano, Paulo Avelino, JM de Guzman, at Ruby Ruiz.

Nagpapasalamat din si Kaila sa kanilang mga direktor na sina FM Reyes at Jojo Saguinna gumagabay sa kanya sa serye. 

“I’m so touched and I feel so happy and fulfilled. Parang makahihinga na po ako ng maluwag hahaha. It makes all the hard work absolutely worth it,” sabi ni Kaila.

Kasalukuyang napapanood ang Linlang sa  Amazon Prime Video

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …