Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

River mist nakadehado

Nakadehado ang kalahok na si River Mist na sinakyan ng buwenas na hineteng si Jeff Zarate sa naganap na 2013 PHILRACOM “3rd Leg Juvenile Colts Race” nitong nagdaang araw ng Linggo sa pista ng SLLP.

Sa largahan ay agad na nakuha ang unahan ng may tulin na si Matang Tubig kasunod sina Lucky Man, River Mist, Young Turk, Proud Papa, Mr. Bond at Kulit Bulilit.

Pagsapit sa unang likuan ay umabante ng may dalawang kabayong agwat si Matang Tubig kina Lucky Man at River Mist, habang nasalto naman sa may gawing loob ang kukuha sana ng ikaapat na posisyon na si Mr. Bond. Padating sa medya milya ay may mga apat na kabayong layo na si Matang Tubig kay River Mist, habang nagpapalakas na ang kasunod nilang sina Young Turk at Mr. Bond.

Patapat sa may ultimo kuwarto na poste ay nanatili pa rin sila sa ganoong puwestuhan, subalit lumalapit na sa may tabing balya ang maliit subalit mabagsik na kabayong dala ni Jeff. Pagsungaw sa rektahan ay kaunti na lamang ang agawat ni Matang Tubig at ramdam na sa kanya na medyo kinakapos na, kaya naman pasugod na nang pasugod sa loob si River Mist.

Hanggang sa huling 100 metro ng labanan ay umungos na ng bahagya si River Mist at dahil sa lakas pa ng dating niya sa walang humpay na pag-ayuda ni Jeff ay nagawa pa nilang magwagi ng may dalawang kabayong agwat laban kay Matang Tubig. Tersero si Mr. Bond, kuwarto si Young Turk, panglima si Kulit Bulilit, pang-anim si Lucky Man at pumang-pito o huling dumating si Proud Papa.

Naorasan ang nasabing laban ng 1:29.0 (12.5-24.0-24.5-28) para sa distansiyang 1,400 meters. Congrats kay Cong. Bong A. Lapus at jockey Jeff Zarate.

Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …