Sunday , December 22 2024
COMELEC BSKE Elections 2023

Election code violators timbog sa Bulacan PNP

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ng mga tauhan ng Bulacan PNP ang mga lumabag sa Omnibus Election Code (OEC) sa lalawigan nitong Sabado, 4 Nobyembre.

Sa mga ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, dinakip ang dalawang indibidwal na parehong lumabag sa RA 10591 kaugnay sa Omnibus Election Code sa pagsasagawa ng Oplan Sita sa bayan ng Balagtas.

Tinangka ng mga suspek na umiwas sa mga pulis habang sakay ng motorsiklo matapos makabangga ang isang tricycle ay nadiskubreng nasa kanilang pag-iingat ang isang .45 caliber pistol, kasama ang pitong bala, na hawak ng isang 33-anyos suspek.

Bukod dito, nakuhaan rin ang kanyang kasamang 43-anyos suspek ng isang .38 revolver na kargado ng limang bala at dalawang bala ng shotgun.

Dahil sa tangkang pagtakas, sugatan ang dalawang suspek na dinala para lapatan ng lunas sa Gregorio del Pilar District Hospital sa Bulakan, Bulacan.

Dinala ang mga nakompiskang ebidensiya para sa pagsusuri sa Bulacan Provincial Forensic Unit, habang inihahanda ang mga kaukulang kasong isasampa sa korte laban sa kanila.

Samantala, sa Brgy. Buhol na Mangga, San Ildefonso, dinakip ang isang 38-anyos residente ng Brgy. Anyatam dahil sa robbery snatching.

Inaresto ang suspek matapos isumbong ng biktima ang pag-agaw sa kanyang shoulder bag, na naglalaman ng mahahalagang gamit, ng isang lalaking sakay ng motorsiklo.

Nakipag-ugnayan ang San Ildefonso MPS sa 2nd PMFC Bulacan, na humantong sa pagkakadakip ng suspek at narekober ang mga nakaw na gamit, isang motorsiklo, at isang patalim.

Nakatakdang ihain sa korte ang mga kasong may kinalaman sa Robbery Snatching, Illegal Possession of a Bladed Weapon, at mga paglabag sa Omnibus Election Code.

Patuloy na pinalalakas ng Bulacan PNP ang pagpapatupad ng Omnibus Election Code at ang anti-criminality campaign nito para maalis ang mga banta sa komunidad. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …