Saturday , November 23 2024

CHILD Haus: Ipinagdiwang ang ika-21 taon ng paglilingkod sa mga batang may kanser

Sa SM Mall of Asia Music Hall ipinagdiwang ng CHILD Haus ang ika-21 anibersaryo nito noong nakaraang Oktubre 29, 2023. Ang CHILD Haus ay isang institusyon na itinatag ni ‘Mader’ Ricky Reyes upang maging kanlungan ng pag-asa para sa mga kabataang tinamaan ng sakit na kanser. Sa buong kasaysayan ng CHILD Haus, isa sa mga patuloy at pangunahing sumusuporta ng institusyong ito ay ang pamilya Sy—si Henry ‘Tatang’ Sy, Sr. sa mga unang taon, at sa kalaunan, ang SM Prime Holdings Inc. Chairman ng Executive Committee na si Hans Sy na ang nagpapatuloy ng tradisyong itinatag ng kanyang ama.

SM Childhaus 1
Ipinagdiwang nina CHILD Haus founder ‘Mader’ Ricky Reyes at SM Prime Holdings Inc. Chairman ng Executive Committee Hans Sy (gitna) ang ika-21 anibersaryo ng institusyon, kasama ang mga benepisyaryo ng CHILD Haus.

Pinangunahan ni Mr. Sy at ‘Mader’ Ricky Reyes ang programa, kasama ang ilang mga indibidwal at kumpanya na naging katuwang at nagbigay tulong sa CHILD Haus sa loob ng mga nakaraang taon. Kasama rin ang mga kabataang kinupkop ng CHILD Haus na ngayon ay tinatawag na itong kanilang tahanan. Naroroon din ang mga media na nagpapatunay kung paanong ang institusyong gaya ng CHILD Haus ay nakagawa ng malaking pagkakaiba at tila naging daan upang matugunan ang mga panalangin ng mga kabataan at ng kanilang mga magulang.

SM Childhaus 2
CHILD Haus founder ‘Mader’ Ricky Reyes

SM Childhaus 3
SM Prime Holdings Inc. Chairman ng Executive Committee Hans Sy

Tatlong natatanging kuwento ng mga bata mula sa CHILD Haus ang naging tampok sa isang video presentation, bilang bahagi ng programa. Ito ay ang mga kuwento nina Aya, Laura, at Jessa na ibinahagi ang kanilang mga mensahe ng pag-asa at pagbabago sa kanilang buhay, sa tulong ng CHILD Haus. Naging saksi ang mga batikang media sa matagumpay na pagpaparating ng mga mensahe ng pagtibay ng loob na itinampok sa mga video, na pinatunayan ng mga luha ng kasiyahan at simoy ng pag-asa na dumaloy sa lahat ng mga dumalo sa pagdiriwang.

SM Childhaus 4
CHILD Haus founder ‘Mader’ Ricky Reyes, SM Prime Holdings Inc. Chairman ng Executive Committee Hans Sy, at tatlong nakaka-inspire na mga bata mula sa CHILD Haus na sina Aya, Laura, at Jessa.

Pagkatapos ng panimulang pagbati ni ‘Mader’ Ricky, si Mr. Sy ay pinangunahan ang pamamahagi ng mga plaque, bilang pagpapasalamat sa mga kaibigan ng CHILD Haus, na buong pusong nagkaloob ng tulong. Sa pamamagitan ng mga kaloob na ito, naging posible ang layunin ng CHILD Haus na makapagbigay ng ibayong pag-asa sa mga batang kinakalinga ng kanilang organisasyon.

SM Childhaus 5
Sina CHILD Haus founder ‘Mader’ Ricky Reyes at SM Prime Holdings Inc. Chairman ng Executive Committee Hans Sy ay nagbigay ng mga plaka ng pasasalamat sa mga mapagbigay na kaibigan ng CHILD Haus.

Ang mga batang may kanser na kinikupkop ng CHILD Haus ay pinagkakalooban ng tahanan, pagkain, at atensiyon. Sa kasalukuyan, may dalawang CHILD Haus na mga lokasyon—isa sa Maynila, sa pakikipagtulungan kasama ang Philippine General Hospital (PGH), at isa sa Quezon City. Ang mga bata at isa sa kanilang mga magulang ay maaaring manatili sa CHILD Haus hanggang sa mawala ang kanilang kanser o matapos ang kanilang mga medikal na pangangailangan, samantalang ang mga sanggol naman ay maaaring kasama ang parehong mga magulang.

Isa sa mga matagal nang tagasuporta at regular na bumibisita sa CHILD Haus ay ang singer na si Karylle. Naghandog siya ng isang awiting isinulat ng kanyang asawang si Yael Yuzon, isa ring singer. Ang awiting ito ay nagbigay inspirasyon sa mga bata at mga bisita sa pagdiriwang. Bukod dito, naghandog din ang anak na babae ni ‘Mader’ Ricky ng isang ‘reworded’ na bersyon ng kantang ‘Handog’ ni Florante, na inakma sa damdamin ng mga bata sa CHILD Haus. Pinag-aralan ng mga bata ang dalawang kantang ito upang iparating ang kanilang labis na pasasalamat sa mga kaibigan na patuloy na tumutulong para maisakatuparan ang misyon ng CHILD Haus.

Sa huli, kinilala nina ‘Mader’ Ricky at si Mr. Sy ang kahalagahan ng pagdiriwang na ito—ang ika-21 taon ng patuloy na pagmamalasakit, katatagan ng loob, at buong-pusong tulong sa ating kapwa.

SM Childhaus 6
Kumanta ang sikat na mang-aawit na si Karylle kasama ang mga bata mula sa CHILD Haus.

Para malaman pa ang tungkol sa mga nakaka-inspire na kwento at kaganapan sa SM, bisitahin ang www.smsupermalls.com o sundan ang @smsupermalls sa social media.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …