Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

 687 pulis ikakalat sa sementeryo, kolumbarya sa Bulacan

ANIM-na-raan at walumpu’t pitong (687) mga tauhan ng Bulacan PNP na binubuo ng 108 Reactionary Standby Support Force (RSSF), 323 ang ipapakalat para isekyur ang mga sementeryo at kolumbarya, 207 para masiguro ang mga lugar ng convergence, at 49 road safety marshals sa pagdiriwang ng bansa ng All Saints Day at All Souls Day sa Bulacan. 

Magpapakalat din ng karagdagang 665 Force Multipliers at 403 Advocacy Groups para tulungan ang motorista, gayundin ang pagdagsa ng mga taong magbibigay pugay sa kanilang mga mahal sa buhay.

Sinabi ni Police Colonel Provincial Director Relly Arnedo na ang Bulacan Police Red Team ay naatasang magsagawa ng inspeksyon at paghahanda sa iba’t-ibang istasyon ng pulisya at iba pang support units ng tanggapang ito, kabilang ang mga police hub na itinatag sa lalawigang ito.

Bilang paghahanda sa taunang tradisyong ito, ang Bulacan Police ay nagtatag ng Police Assistance Desks (PAD’s), Motorist Assistance Desks (MAC’s), at Traffic Assistance Desks (TAD’s) sa iba’t ibang estratehikong lugar tulad ng mga sementeryo, bus terminal, at mga punto ng pagpasok at paglabas sa kahabaan. ang North Luzon Expressway (NLEX).

Ito ay magsisilbing security measures para matulungan ang motorista at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

Ang pagpapakalat ng mga tip at impormasyong pangkaligtasan ay ginagawa din upang itaas ang kamalayan ng publiko sa iba’t ibang hakbang sa kaligtasan laban sa mga masasamang elemento, na ginagawa silang mas mapagbantay, responsable, at maingat sa oras para sa All Saints at All Souls Day.

Ang layunin ng deployment ay hindi lamang police visibility kundi para maramdaman din ang kanilang presensya sa mga lugar ng convergence upang tulungan ang mga commuters, partikular na ang mga senior citizen at mga taong may kapansanan.

Hinimok din ng Bulacan PNP ang publiko na manatiling mapagbantay at tiyakin na ang lahat ng yunit, kabilang ang itinatag na PAD’s, MAD’s at TAD’s ay naka-standy upang bantayan laban sa mga kriminal na magsasamantala  sa okasyon at nakahanda sa lahat ng situwasyon in case na magkaroon ng emergency. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …