Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
liquor ban

13 tomador tiklo sa liquor ban


ARESTADO ang labingtatlong indibiduwal sa paglabag sa pinairal na Omnibus Election Code  o Liquor Ban kaugnay sa pagdaraos ng  Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa Brgy. San Manuel, San Jose del Monte at Brgy. Tiaong, Guiguinto, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo provincial director ng Bulacan PPO ang mga tauhan ng SJDM City Police Station ay nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa concerned citizen na may nagaganap na inuman ng alak sa bahagi ng Savano Park, SJDM City, Bulacan. 

Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga operatiba ang grupo na nag-iinuman na nagresulta sa pagkaaresto ng walong indibiduwal.

Gayundin, ang mga tauhan ng Guiguinto Municipal Police Station {MPS}, habang nagsasagawa ng mobile patrol sa Brgy. Tiaong, Guiguinto, Bulacan, ay naispatan ang dalawang kalalakihan na tumatagay ng alak sa harap ng isang tindahan.

Kaagad inaresto ang dalawang nagtatagayan ng alak kabilang ang may-ari ng tindahan, habang sa hindi kalayuan sa lugar ay naispatan pa ang dalawang nag-iinuman sa bahagi ng kalye na inaresto rin.

Ang mga arestadong suspek ay sasampahan ng karampatang kaso na ihahain sa Office of the City Prosecutor. (MICKA BAUTISTA) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …

SM holiday finds FEAT

Get the perfect presents with these holiday finds at SM Supermalls

The holidays are here, and nothing makes the season brighter than finding the perfect gift …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …