Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kandidatong barangay kagawad kalaboso sa vote buying

103023 Hataw Frontpage

DALAWANG araw bago ang halalan ay dinakip ng mga awtoridad ang isang negosyante na tumatakbong kagawad  dahil sa pamimili ng boto sa Pandi, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala ni Police Lt.Colonel Rey Apolonio, hepe ng Pandi Municipal Police Station {MPS kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang suspek ay kinilalang si Danilo Sebastian, 52, na residente ng Barangay Bagong Barrio, Pandi, Bulacan kung saan siya tumatakbong kagawad.

Nakumpiska mula sa posesyon ng suspek ang cash na halagang  Php 35, 840.00 sa iba’t-ibang denominasyon, DSWD General Intake Sheets, at Sample Ballots.

Nang arestuhin ang suspek ay ikinakatuwiran nito na ang perang kipkip ay para sa kanyang negosyo subalit ang sample ballots na dala niya ang naging matibay na ebidensiya para siya ay arestuhin sa pamimili ng boto. 

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Pandi MPS para sa nararapat na disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso sa hukuman.

Kasunod nito ay nagpaalala sa publiko si P/Colonel Arnedo na ang pamimili ng boto ay isang election offense, na may kaparusahang isa hanggang anim na tao sa bilangguan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …