Sunday , December 22 2024
L sign Loser Vote Election

Kabataan bomoto ayon sa konsyensiya

IPINAALALA ng isang kandidato sa posisyong Sangguniang Kabataan Chairman sa mga botante na kanilang protektahan ang sagradong pagboto sa pamamagitan ng pagkakaroon ng matatag na paninindigan at  conscience vote.

Sinabi ni Jeanly Lin, SK bet ng Barangay San Bartolome , “panghawakan po nating mga kabataan nang  mahigpit ang ating right to suffrage at dalangin ko po na maging mapayapa ang daloy ng halalan sa ating barangay at sa buong bansa.”

Mababatid na ang pangaral ng bayaning si Jose Rizal na  sinabi, “Ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan,” ang naging inspirasyon ni Lin sa puspusang pagtulong sa mga kabataan.

Aniya,  dapat nating hayaan ang mga kabataan na makilahok sa paglikha ng pagbabago at hamunin sila na maging tunay na pag-asa ng ating kinabukasan.

Ayon naman sa isang political analyst,isang mahalagang tungkulin ng mga kabataan ang aktibong pakikilahok sa mga decision-making arenas upang mas mahusay na mahubog ang isang mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat.

Matuturing na ang mga katangian ng kabataan ay walang takot, matapang, mapusok, dinamiko at may tiwala sa sarili.

Ang mga kabataan ay puno ng pag-asa at sa pamamagitan ng innovation at imahinasyon, sila ay mga problem solver at may malaking potensiyak na makabuo ng positibong pagbabago sa lipunan at sa mundo. (TEDDY BRUL)

About Teddy Brul

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …