Wednesday , June 24 2026
44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL

INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang parokya sa bansa at mga pag-aari ng  iba’t ibang pamilya ang ilalahok sa 44th Grand Marian Procession (GMP) sa Linggo (Disyembre 7) sa Intramuros, Manila.

Ginaganap taon-taon ang prusisyon tuwing Unang Linggo ng Disyembre sa Plaza de Roma sa harapan ng Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila bilang parangal sa Pista ng Immaculate Conception.

Magsisimula ang prusisyon dakong 4:00 ng hapon sa Plaza Roma pagkatapos ng banal na misa sa Manila Cathedral.

Kalahok sa prusisyon ng mga imahen ng Mahal na Birheng Maria ang La Naval de Manila; Our Lady of Porta Vaga ng Cavite City; Our Lady of the Pillar ng Imus; Banal na Pastol ng Gapan, Nueva Ecija; Morning Star ng Taytay, Rizal; Our Lady of Caysasay ng Batangas at Our Lady of Peace and Good Voyage ng Antipolo.

Kabilang din ang Our Lady of the Abandoned ng Marikina; Our Lady of Aranzazu ng San Mateo, Rizal; Our Lady of Light ng Cainta, Rizal; Our Lady of the Most Holy Rosary ng Cardona, Rizal; at ang Nuestra Señora de los Dolores de Turumba ng Pakil, Laguna.

Ang imahen ng Nuestra Señora de Turumba, na kilala rin bilang “Mahal na Inang Birhen ng Hapis” o Our Lady of Sorrows ay  prominente at inaasahang bahagi ng prusisyon, na humahatak ng maraming deboto mula sa Pakil at sa mas malawak na publiko na  karaniwang nakikiisa sa taunang kapistahan ng Immaculate Conception sa Intramuros. Ang mga deboto ay sumasabay sa parada, pag-indak at saliw sa Awit ng Turumba. Atang din nila ang replikang larawan ng Birhen l Ng Turumba habang sumasayaw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …