Monday , December 23 2024
Bulacan Police PNP

Baril, shabu, marijuana nakumpiska ng Bulacan police

Sa sunod-sunod na pagkilos ng mga tauhan ng Bulacan PNP ay nadakip ang ilang lumabag sa batas at nakakumpiska ng baril, shabu at marijuana  sa operasyong isinagawa hanggang kahapon ng umaga.

Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, sa operasyong ikinasa laban sa iligal na droga sa Pandi, Bulacan ay naaresto ang dalawang indibiduwal sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act), RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), at Omnibus Election Code (OEC). 

Ang mga naarestong suspek na kapuwa kabilang sa drug watchlist, ay nakumpiskahan ng apat na pakete ng shabu at pakete ng marijuana, gayundin ng caliber .38 revolver na may dalawang bala.

Samantala, sa San Jose Del Monte (SJDM) City, arestado ang isang suspek sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition (RA 10591) alinsunod sa umiiral na COMELEC gun ban. 

Inaresto ang suspek batay sa tip ng concerned citizen na may kahina-hinalang tao na may dalang baril sa Grotto Vista area sa Brgy. Graceville, kung saan nakumpiska sa kanya ang  isang caliber.22 revolver na kargado ng limang bala.

Sa ikinasa namang drug buy-bust operation ng Plaridel MPS ay nagresulta sa pagkakumpiska ng Php 34,000 – Standard Drug Price ng pinaghihinalaang shabu at marked money mula sa drug dealer sa Parulan, Plaridel.

Gayundin, isang Street Level Individual (SLI) drug suspect ang arestado ng mga operatiba ng Calumpit MPS sa drug sting operation sa Gatbuca, Calumpit. 

Apat na pakete ng pinaghihinalaang shabu, na may halagang Php 6,800 – SDP at marked money ang nakumpiska sa suspek.{Micka Bautista}

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …