Saturday , December 21 2024
gun ban

Simulang ipatupad ang gun ban sa Central Luzon…
MAHIGIT 200 BARIL, MGA NAKAMAMATAY NA SANDATA AT MGA PAMPASABOG NAKUMPISKA

Mahigit 200 mga nakamamatay na sandata, mga pampasabog at iba’t-ibang uri ng baril ang nasamsam ng kapulisan sa Central Luzon sa patuloy na pagpapatupad ng gun ban kaugnay sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa Oktubre 30.

Ipinhayag ni PRO3 Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr. na mula Agosto 28, 2023 hanggang kahapon, Oktubre 15, may kabuuang 156 iba’t-ibang uri ng baril at nakamamatay na sandata kabilang ang mga pampasabog ang nakumpiska samantalang 195 indibiduwal ang arestado sa mga isinagawang police operations kabilang ang checkpoints, illegal drug operations at mga ipinatupad na pagsisilbi ng  search warrants.

Hinimok din ni PBGeneral Hidalgo Jr. ang publiko na makipagtulungan  sa mga awtoridad sa checkpoints at inulit ang kanyang pagtiyak na ang mga  police personnel ay magmamasid ng mga patakaran at pamamaraan at itataguyod ang kanilang mga batayang karapatan.

Habang nasa checkpoint, ang mga motorista ay pinaalalahanan na mag-slow down; i-dim ang kanilang headlights, buksan ang cabin lights at sumagot kaagad kapag tinatanong ng mga awtoridad. 

“I have also reminded our personnel to be courteous to motorists and to adhere to general guidelines prescribed in our Revised Police Operational Procedures,” dagdag pa ng opisyal.

Ang pagdadala ng mga baril, iba pang nakamamatay na sandata at pampasabog gayundin ang pagbiyahe ng mga ito ay mahigpit na ipinagbabawal mula Agosto 28 hanggang Nobyembre 29, 2023.{Micka Bautista}

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …