Friday , November 15 2024

Bulok na Sistema sa Kustoms unti-unti nang binubuwag

Kung mapapansin natin unti-unti nang inuumpi-sahan ng palasyo ang pagbuwag sa bulok na sistema o kalakaran sa Bureau of Customs. Ito ay katuparan sa nais ni Pnoy na malinis ang na-sabing ahensya sa talamak na katiwalian at smuggling na dahilan kung bakit hindi mapilit na itaas ang revenue collection. Isa marahil sa malaking dahilan ay ang pagi-ging kulang ng effective leadership ni Commissioner Biazon sa kanyang panunungkulan. Siya ay nag-celebrate ng kanyang two years bilang commissioner mula sa kanyang pagiging politiko.

Ang observation ng mga stakeholder/port users sa Bureau, ang pagiging medical technologist at politiko ang nagiging balakid sa kanya lalo’t ang mga kalabang smuggler ay masyadong po-werful, masalapi at backup ng mga pesteng politiko. Kaya kung mapapansin natin, bawat banat kay Biazon sa media at ng mga industry leader na nagrereklamo dahil sa hindi masugpo na smuggling ng bigas, bakal, plastic resins at marami pang iba lalo na’t sa bandang Mindanao at Bisaya, may built-in alibi siya. Pero ang alibi at excuse sa lack of performance ay lubhang mahinang defense. Kaya naman tapos upakan ni Pnoy ang mga opisyal sa kanyang SONA noong July 22, dahan- dahan nang inilalatag ang malaking reporma o pag-tira sa customs. Maaaring mahirap matigil ang corruption at smuggling sa Bureau, pero baka naman ang ginagawang pagbubulgar dito maging mabisa kahit na papaano.

Kabilang sa pagpurga ay ang pagtatanggal ng lahat ng natirang deputy commissioner na sa halip daw makatulong na masugpo ang smuggling at maipadala ang corrupt officials sa karsel, aba’y ni isang opisyal walang nahoyo kahit sa detention cell. Isa pang pagpurga ay ang pag ground o pag-floating ng 27 collectors – collector VI and collector V –  sa DOF. Sila ay ginagawang “researcher” doon at tulong-tulong sila ng mga taga DOF sa paggawa ng program for revenue enhancement.

Ang isang malaking katakataka ni isang politiko hindi nakialam sa mga naka-floating na 27 collectors, anim sa kanila presidential appointee. May balita tayo na baka ang ginawa ng isang mabagsik na commissioner noon na binigyan daw ng option na ganito: Ano mag-resign ka na lang o tuluyan namin ipa-sasampa ang kaso? Bakit pagsampa ng kaso? Dahil balita natin halos lahat sila bumagsak sa “Lifestyle Check” na iniutos nang palihim ni PNoy. Ang na-assign na “checker” ay ang NBI, CIDG at OF agents.

May susunod pa seguro dito pero antayin na lang natin.

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *