Monday , December 23 2024
Ama na babaril sa anak na dalagita, arestado

Ama na babaril sa anak na dalagita, arestado

DINAKIP at ikinalaboso ng mga awtoridad ang isang ama matapos na tangkaing barilin ang anak na dalagita sa Pandi, Bulacan kamakalawa. 

Ayon sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang inarestong suspek ay residente ng Brgy. Malibo Matanda, Pandi, Bulacan. 

Napag-alamang may concerned citizen na nagsumbong sa mga awtoridad sa Pandi Municipal Police Station {MPS} na may nagaganap na kaguluhan sa nabanggit na lugar.

Kaagad nagresponde ang mga operatiba ng istasyon at nang dumating sila sa lugar ay sinalubong sila ni “Alyas Princess”, 13, na nagsabing ang kanyang ama ay pinagbabantaan siya gamit ang isang baril.

Hindi naman nagawang manlaban ng suspek nang arestuhin ng mga awtoridad hanggang nakumpiska sa kanya ang caliber .38 at siyam na bala.

Sinasabing nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama hanggang kumuha ng baril ang suspek at tinangkang barilin ang anak na nakatakbo lamang.

Inilagay sa kustodiya ng Pandi MPS ang suspek na nahaharap ngayon sa mga kasong Grave Threat alinsunod sa RA 7610, paglabag sa  RA 10591 (Illegal possession of Firearm and Ammunition) at Omnibus Election Code (Gun Ban). (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …