Monday , December 23 2024
arrest, posas, fingerprints

 Dalawang bebot na tulak sa Bulacan, isa pa tiklo sa Kyusi

DALAWANG babaing residente sa Bulacan at kasabuwat nila sa pagtutulak ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat mula sa director ng Philippine Drug Enforcement Agency {PDEA} sa Region 3, ang mga arestadong suspek ay kinilalang sina Nerissa Sarmiento y Santos alyas Joan, 48, residente ng 228 Brgy. Perez; at Lecil May Ladjahasan y Largo, 47, na residente naman ng Brgy. San Francisco Kapulid, kapuwa sa Bulakan, Bulacan; at kasabuwat nilang si  Adin Ismael y Aklabul, 5, na residente ng 19 A Basilian  St., Salam Compound, Brgy. Culiat, Quezon City.

Ayon sa ulat, naaresto ang tatlo sa ikinasang buy-bust operation sa isang mall open parking lot sa North Avenue, corner Edsa, Brgy. Pag-asa, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Nakumpiska ng mga awtoridad sa mga suspek ang 75 gramo ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang may street value na PhP510, 000.00 at marked money na ginamit ng undercover agent.

Napag-alaman mula sa mga awtoridad na ang tatlo ang itinuturong sangkot sa bulk distribution ng shabu sa ilang bayan sa Bulacan at Quezon City.

Ang nasabing operasyon ay magkatuwang na ikinasa ng magkatuwang na mga ahente ng PDEA Central Luzon, PDEA NCR at mga tauhan ng PNP.

               Kasong paglabag sa section 5 ( sale of dangerous drugs) kaugnay sa 26B (conspiracy to sell) ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa mga suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …