Monday , December 23 2024
cyber security

Sa gitna ng pag-hack sa Philhealth
Mas mahusay na cybersecurity services sa bansa hinimok ng senador

NANAWAGAN  si Senador Win Gatchalian sa lahat ng ahensya ng gobyerno at pribadong sektor na palakasin ang kanilang proteksyon laban sa mga banta sa cybersecurity kasunod ng hacking na nangyari sa Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth).

Inihain ni Gatchalian ang Senate Bill 2066, o ang Critical Information Infrastructure Protection Act. Ang panukalang batas ay nagmamandato sa lahat ng critical information institutions (CII) na magpatibay at magpatupad ng sapat na mga hakbang upang protektahan ang kanilang mga sistema at imprastraktura ng information and communications technology (ICT) at tumugon sa anumang insidente ng information security.

Ang panukala ay nagmamandato rin sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na tukuyin at i-update ang mga pamantayan sa seguridad ng impormasyon kung saan ang mga naturang pamantayan ay kailangang sundin ng mga CII. Inaatasan din nito ang National Computer Emergency Response Team (NCERT) na kumilos bilang isang central authority para sa mga computer emergency response team sa bansa at pangasiwaan ang “centralized information security incident reporting mechanism” na saklaw ang mga industriya tulad ng banking and finance, broadcast media, emergency services and disaster response, enerhiya, kalusugan, telekomunikasyon, at transportasyon, bukod sa iba pa.

Ayon kay Gatchalian, mas maraming Pilipino at negosyo ang umaasa sa digital technologies para maisagawa ang kanilang pang-araw-araw na aktibidad, lalo na’t nagkaroon na tayo ng karanasan ng pandemya. Ang mga Pilipino ay kumukunsumo nang higit pa sa 4.3 na digital services bago mag- pandemya. Ang e-commerce ay patuloy na lumalawak at ang benta nito ay inaasahang magkakahalaga ng $10.3 bilyon pagdating ng 2025, sabi ng senador, batay sa pagtatantya na ginawa ng GlobalData.

“Panahon na para gawin natin ang mga kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang ating kritikal na imprastraktura ng impormasyon sa pamamagitan ng pagtiyak at pagsunod sa international standards ng cybersecurity,” sabi ni Gatchalian.

“Sa pagtaas ng paggamit ng mga digital na teknolohiya sa ating pang-araw-araw na buhay, ang mga kawatan mula sa mga maliliit hanggang malalaking organisadong grupo ay naghahanap ng mga kahinaan sa mga sistema at network ng ICT upang magnakaw ng impormasyon, makagambala sa mahahalagang serbisyo, at kumita mula sa mga pag-atake,” sabi ni Gatchalian, na inihalimbawa ang cyberattack na nangyari sa database ng Philhealth kung saan ang mga cybercriminal ay humingi ng $300,000 kapalit ng pagbibigay ng mga decryption key at ang pagtanggal at hindi pag-publish ng data na iligal na nakuha. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …