Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Roman Perez Jr Denise Esteban, Aubrey Avila, Mon Mendoza, Yda Manzano, Hurry Up Tingson Victor Relosa

Direk Roman ibinulgar Aljur ayaw magpadirehe sa kanya

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MAY big reveal ang cult director na si Roman Perez, Jr. sa mediacon para sa kanyang padating na 4-part series sa Vivamax, ang HaloHalo X.

Dahil hindi naman nawawalan ng proyekto sa nasabing kompanya si Direk Roman, pansin din ng marami na tila marami rin ang ilag sa kanya roon. Na hindi rin naman niya maintindihan kung bakit. Mapa-artista. Mapa-kapwa direktor.

Pero ang artista na tumanggi na magpadirehe sa kanya ay ang aktor na si Aljur Abrenica.

Noon pa sana niya gagawan ito ng proyekto. At isa nga roon ay ang pagsasamahan sana nito at ni AJ Raval. Inalam naman niya ang dahilan kung may galit ba sa kanya si Aljur o kung may nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan. Pero wala namang sagot na nagmumula from the actor’s end.

Basta ayaw lang.

Ayon kay Direk, kumbaga sa komiks eh wakasan ang mangyayari sa magiging Sunday habit ng mga manonood sa Vivamax simula sa Oktubre 8. 

Mauuna ang Extra Rider na tatampukan nina Denise Esteban, Aubrey Avila, Mon Mendoza, Yda Manzano, Hurry Up Tingson, at Victor Relosa. Ikalawa ang Lucy Dreaming with Micaella Raz, Andrea Garcia, at Rash Flores. Ang ikatlo ay ang Surveillance nina Jela Cuenca at Apple Dy. At ang huli ay Grade Sex nina Aiko Garcia at Ataska.

Isang oras ang running time ng Extra Rider at Grade Sex at tig-45 minutes ang Lucy Dreaming at Surveillance.

Sa rami na ngayon ng artista na nagsulputan na ring kuwadra ng co-managers sa Viva, inusisa ko si Direk Roman kung hindi ba napakalaking pressure niyon sa kanya na pumili ng ika-cast sa bawat proyekto niya.

Hindi lang isa o dalawa ang nagbabanggaang mga artist management under his wings.

Aminado si direk Roman, isa ‘yun sa challenges that he faces. But at the end of the day, lulutang pa rin kasi ‘yung talagang may ibinuga sa performance. 

Marami sa nasabing mga serye ang first time rin lang naman niya na nakatrabaho. And all passed with flying colors. Maski ang nagbabalik sa eksenang si Yda. Na dahil malaki na ang anak kaya malayang gumanap na sa adult role as a cougar in Extra Rider.

Hindi sa husay ng banatan. Kundi sa galing din sa pag-emote.

Kelan kaya niya mapao-oo si Aljur!?

Streaming na, subscribe na. Atin ‘to! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …