Friday , January 3 2025

Be fair honey, my love, sooo sweet!

And anyone who does not take his cross and follow me is not worthy of me. Whoever finds his life will lose it, and whoever loses his life for my sake will find it.—Matthew 10:38-39

NAKUPOOO ano ba ito at may umiiral na favoritism sa pagre-release ngcalamity fund sa mga barangay na apektado ng kalamidad nitong nakalipas na buwan dito sa Lungsod ng Maynila.

Ang kuwento sa atin ng isang Kabarangay, noong Agosto pa nakabinbin sa City Council ang kanyang apela na ma-release na ang calamity fund sa nasasakupang barangay sa Paco (District V), pero tinabunan ng mga nagdaang bagyo, ni singkong duling ay wala pa rin.

***

TULOY si Punong Barangay ang sinisisi ng kanyang constituents kung bakit nagkaganoon at wala silang makuhang tulong mula sa kanilang Barangay Chairman.

Samantala ang katabi nilang barangay ay nakatangap na ng kani-kanilangcalamity funds mula sa tanggapan ni Manila Social Welfare Department chief Honey Lacuna Pangan.

***

PERO lumalabas na hindi lang favoritism ang nangyayari, kundi pamomolitika. Si Punong Barangay kasi ay malapit sa nagdaang administrasyon, na sinasabing dahilan kung bakit naiipit ang kanyang barangay calamity fund.

Ano ba ‘yan, MSWD chief Honey, pati ba naman pantulong sa barangay ay ipinagkakait o pinopolitika pa?

Be fair naman, honey, my love, sooo sweet please!

***

MALAWAK ngayon ang kapangyarihan ni MSWD chief Honey in terms of calamity funds. Inaprubahan kamakailan ng City Council ang isang resolution na nag-aatang ng kapangyarihan kay chief Honey, when it comes of releasing of funds of affected barangays during calamities.

Daan-milyong piso ang hawak na badyet ng MSWD at nakasaad sa resolution na tanging si chief Honey ang magbubulsa este magtuturo, kung aling barangay ang dapat lagyan ng pondo.

Kaya kung hindi ka ‘malakas’ kay chief Honey, haay sori ka na lang!

CITY HALL MEMO

ANTI-LABOR?

MAHIGPIT pala ang ipinatutupad ngayon sa Manila City Hall sa mga empleado’t kawani na lumiliban sa pagpasok sa trabaho.

Sa inilabas na Memo, kapag umabsent ka, dapat may balido kang paliwanag at kung nagkasakit ka naman dapat may maipakita ka medical certificate mula sa doktor.

Hindi na puwede ang alibi!

***

OKEY sana ito mga Kabarangay, pero ang sabi ng ating katoto, dapat magpakita rin ng ehemplo ang kanilang mga hepe o bossing sa departamento.

Kasi ba naman, si hepe kahit palawaktsa-watsa lang o pa-inom-inom sa SM o beerhouse at pasugal-sugal lang ay hindi nasisilip, pero ang mga kawawang maliliit na empleado ang palaging nakikita, nahihigpitan, kinakawawa!

Hindi ba dapat, leadership by example?!

HAPPY CHRISTENING,

XIAN GABRIEL!

BONGGA ang binyagan kahapon ng isa sa ating masipag na Barangay Kagawad (Brgy 569-A) na si Robert “Obet” Bilan at asawang si Sheryl Ann Bilan

Ang kanilang nag-iisang anak na si Xian Gabriel Bilan ay ganap nang sagradong Katoliko. Bininyagan na ang guwapong sanggol sa Sta. Cruz Parish Church sa Sta. Cruz, Maynila. Si Xian ay ipinanganak sa kasagsagan ng halalan nitong Mayo 13, 2013.

***

DAHIL bongga ang binyagan, na may reception sa Aristocrat Restaurant (SM Manila), bigatin din ang mga kinuhang ninong at ninang nina Kagawad Obet at Sheryl Ann. Nangunguna sa listahan, siyempre ang ‘bigatin’ na anak ko na si Donna Joy Santos, Mary Grace Florendo, Mona Lesley dela Vega at Dess Ozarraga.

Hindi rin nagpahuli ang mga bigating Ninong na kinuha pa mula sa outer spacena sina Ninong Robert Bunda, Neil Tupas (hindi si congressman sangkot sa PDAF scam) Rolando Perez, ang kamag-anak ni PGMA na si Arthur Arroyo at Ricky. Teka kumusta naman kaya ang kanilang mga pakimkim kagawad Obet?

Anyway, Welcome to the Christian World Xian!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 09323214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes

Chairwowman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

QCPD Gera vs bawal na paputok

Gera vs bawal na paputok, ipatutupad ng QCPD para  sa ligtas na Bagong Taon

MAHIGPIT na ipatutupad ng Quezon City Police District (QCPD), sa pangunguna ni Acting District Director …

Rozz Daniels

Rozz Daniels,  ire-revive kantang “Ibang-Iba Ka Na” ni Renz Verano

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PATULOY ang paghataw ng singing career ng US-based Pinay singer …

Sa Bulacan KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

Sa Bulacan  
KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

SA PAGSISIKAP na matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang ilegal na paggamit ng …

Chavit Singson e-jeep

Inilunsad na e-jeep ni Manong Chavit pinakamura sa merkado

ISINAPUBLIKO na ni dating Ilocos Sur Governor at businessman Luis “Manong Chavit” Singson ang bersiyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *