Tuesday , April 15 2025
Arrest Posas Handcuff

 ‘Exhibitionist’ dinampot ng parak

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaking ‘exhibitionist’ matapos makunan ng video habang nagpapakita ng ari sa 6-anyos batang babae sa Malabon City.

Kinilala ang suspek na si Cesar Ramos, 49 anyos, construction worker, residente sa Int. Pilapil, Sanciangco St., Brgy. Catmon ng nasabing siyudad.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 11313 o ang Safe Spaces Act na kilala bilang Bawal Bastos Law at R.A. 7610 o ang Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination.

Sa isinumiteng ulat ni P/SSgt. Mary June Belza ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nasa loob ng tirahan ang testigong si Glenda Tenorio, 38 anyos, sa Pilapil Ext., Sanciangco St., dakong 2:46 pm nang mapansin nito ang suspek na nakatingin sa batang biktima at tila may pagnanasa.

Dahil dito, kinunan ni Tenorio ng video mula sa hawak niyang cellular phone, ang suspek at nagulat siya nang ilabas ng lalaki at ipakita sa bata ang kanyang ari na huling-huli sa kuha ng camera.

Nang ipakita ni Tenorio sa ina ng bata ang video, humingi sila na tulong kina P/Cpl. Rochester Bocyag, P/Cpl. Mark Jayson Pavia, at P/Cpl. John Michael Tigbawan ng Malabon Police Sub-Station 4 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na hindi na nakatanggi matapos ipakita sa kanya ang video na kuha sa cellphone ng kanyang kapitbahay. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Lauren Mercado Pickleball Power Tour

Mercado Pickleball Power Tour

IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …