Saturday , May 10 2025
Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City Security Unit (CSU) sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo sa loob ng ginagawang elevated parking area sa Malabon City kahapon ng umaga.

Mabilis na isinugod ng mga nakasaksi sa insidente ang biktimang si Vergilio Noynay, 48 anyos, residente sa Int. Gulayan, Brgy. Catmon, sa Ospial ng Malabon (OsMa) ngunit inilipat sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa katawan.

Kaagad tumakas ang suspek na  kinilalang si Ado Bonson, 56 anyos, dating kawani ng CSU, at tumatayong caretaker ng ginagawang parking area, sakay ng isang e-trike.

Batay sa pang-unang ulat na nakarating kay Malabon police OIC P/Col. Jay Baybayan, nagkrus ang landas ng dalawa na may matagal na umanong alitan sa elevated na lugar ng ginagawang parking area sa F. Sevilla St., Brgy. Tañong dakong 7:15 am at dito na naganap ang kanilang mainitang pagtatalo.

Sa salaysay sa pulisya ng mga nakasaksi, nakita nilang bumunot ng baril ang suspek at kaagad na pinaputukan ang biktima na duguang humandusay.

Nagresponde kaagad sa lugar ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 na pinangunahan ni P/Lt. Benedicto Zafra at kaagad nagsagawa ng follow-up operations ngunit bigo silang mahuli ang suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Abby Binay Nancy Binay

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok …

ACT-CIS Partylist

ACT-CIS Partylist nakapaghatid ng mahigit P1.4-B serbisyo sa 300k plus Filipino sa isang taon

BILANG patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi …

Erwin Tulfo

Sa pinakabagong SWS survey
ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO

ILANG araw bago ang eleksiyon sa Lunes, 12 Mayo, patuloy na nangunguna sa karera sa …

050925 Hataw Frontpage

Habemus Papam

HATAW News Team HINIRANG na ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Kahapon, 8 Mayo …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …