Sunday , December 22 2024
Arjo Atayde  Asian Content Awards

Arjo Atayde Best Lead Actor nominee sa Asian Content Awards

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKAKUHA ng nominasyon si Arjo Atayde bilang Best Lead Actor para sa Cattleya Killer, ang collaboration series ng ABS-CBN International ProductionsNathan Studios, at Prime Video sa Asian Content Awards (ACA) 2023 na gaganapin sa Oktubre 8 sa Busan, South Korea.

Makakalaban ni Arjo, na gumanap bilang ahente na si Anton Dela Rosa sa serye, ang iba pang kilalang aktor na nagmula sa China, Thailand, South Korea, at Japan.

Bukod sa pagiging most watched series ng Cattleya Killer sa Prime Video matapos ang premiere nito, ito rin ang kauna-unahang Filipino produced drama series na ipinalabas sa Marché International des Programs de Communication o International Market of Communications Programs (MIPCOM) sa Cannes.

Ang Asia Contents Awards, na itinatag sa Busan, South Korea, ay isang taunang kaganapan na ipinagdiriwang ang mga tagumpay ng mahusay na nilalaman na ginawa para sa telebisyon, online, at OTT sa buong Asya. Ngayong taon, nakipagsanib-puwersa ang ACA sa International OTT Festival at co-host naman ang Ministry of Science and ICT at Busan Metropolitan City. 

Layunin nitong palawakin ang topograpiya nito mula sa Asya patungo sa iba’t ibang bahagi ng mundo, makisabay sa pagbabago sa lumalagong industriya ng midya, at paghikayat sa paggawa ng magandang domestic at international content.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …