NAKUHAng representante ng Pilipinas na si Princess Jasmine Estanislao, fashion model at FEU Tourism student ang Second Runner-Up title sa katatapos na
Miss Teen Model Internacional na isinagawa sa Lima, Peru.
Si Miss Venezuela ang itinanghal na grand winner samantalang si Miss Bolivia ang First Runner-Up.
Ayon kay Princess hindi niya inaasahang masusungkit ang second place dahil puro magagaling ang mga kalaban at mga Latina pa. Siya lang din ang hindi nagsasalita o fluent sa Spanish bagamat naghanda siya bago pumunta ng Peru.
Aniya, ibinigay niya ang best niya dahil gusto niyang mailaban ang Pilipinas.
At ngayong tapos na ang ilang buwang training at preparation ni Princess para sa naturanf kompetisyon, sasabak naman siya sa ibang laban, ang pag-aartista. Aminado siyang childhood dream niya talaga ang mag-showbiz at bago pa siya nag-compete sa Peru ay nag-undergo na siya ng acting workshop courtesy of Miss Teen International Philippines Organization (MTIP Org) na siyang nagpadala sa kanya sa kompetisyob.
Ilang beses nang lumabas sa Tadhana ng GMA7 si Princess kaya kahit paano ay pamilyar na siya sa mga dapat gawin kapag may shooting.
“Grateful po ako sa chance na ibinigay sa akin ng MTIP org na tulungan akong maabot ang childhood dream ko. At sobrang thankful po ako ‘Tadhana’ kasi nabigyan ako ng opportunity na lumabas sa show,” ani Princess.
Sa ngayon, isa si Princess sa mga endorsersng beauty brand na ALTA. May ilang acting projects ding naka-line up pra sa kanya kaya naman pinaghahandaan niya ito. At kung walang klase ay nanonood siya ng mga pelikulang dapat niyang panoorin at nagwo-work-out. May naka-schedule rin siyang acting workshop kaya excited siya for what lies ahead.
Magkaiba man ang pageant at ang showbiz pero pareho niya itong love kaya ready siyang gawin ang best niya para magtagumpay.