Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Testimonya bago itumba si Napoles (Giit ni Senator Miriam)

092813_FRONT
MALAKI ang paniniwala ni Sen. Miriam Defensor Santiago na posibleng ipapatay ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile o ng iba pang sangkot sa pork barrel scam ang itinuturong utak na si Janet Lim Napoles.

Sinabi ng senadora na dahil desperado na ngayon si Enrile, hindi malayong manganib ang buhay ni Napoles na siyang siguradong makapagdidiin sa mga sangkot.

Kaya naman isinusulong niya na ngayon pa lang, kunin na ang testimonya si Napoles o ang tinatawag na “perpetration of testimony.”

Ipinaliwanag niyang sa ganitong sistema parang nasa korte rin ang testigo kung saan naroroon ang abogado ng magkabilang panig at kinatawan ng huwes at stenographer, may ginagawang direct at cross examination at nilalagdaan ang transcript ng testimonya.

Ang ipinagkaiba lang aniya ng “perpetration of testimony” sa aktwal na pagdinig ay hindi ito ginagawa sa loob ng korte kundi sa kulungan.

Ito aniya ay dapat gawin para sakaling mamatay si Napoles, may maiiwan siyang testimonya.

Nauunawaan naman ni Sen. Miriam kung bakit hindi pa ito ginagawa ngayon ni Napoles dahil aniya, posibleng nakikipag-bargain pa  ang  kampo nila para makabenepisyo rin kagaya na lang ng pagkakaroon ng “mitigating circumstances” sa magiging hatol.

“Posible, e natural ‘pag patay na ang tao, wala nang masabi,” ani Santiago. “Kaya noon sinabi ko gumawa ng hakbang sa ilalim ng rules of court na kung malagay sa panganib ang isang testigo na napakahalaga sa isang kaso, dapat ay kunin na ang kanyang testimonya. ‘Yan ang tinatawag na perpetration of testimony.”

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …