Saturday , April 26 2025
Rodante Marcoleta

Marcoleta, pang-10 sa survey ng PAPI

NASA IKA-10 puwesto si Rep. Rodante D. Marcoleta ng SAGIP partylist sa pagka-senador sa 2025 midterm elections, batay sa pinakahuling survey ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) na isinagawa kamakailan lamang.

Ang survey na ipinatupad noong Agosto 15-19 ay may 1500 respondents. Ang nakakuha ng unang puwesto ay si dating presidente Rodrigo Duterte, sinundan ito ni Erwin Tulfo ng Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) partylist at sumunod si Sen. Imee Marcos, dating Senate president Tito Sotto, Dr. Willie Ong, mga senador na sina Bong Go, Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, dating Manila Mayor Isko Moreno, dating senador na si Mar Roxas, Dept. of National Defense secretary Gilbert “Gibo” Teodoro at nasa ika-12 puwesto ang dating Duterte presidential spokesman na si Harry Roque.

Bilang mambabatas, sariwa pa sa isipan ng publiko ang pagsampa ni Marcoleta ng may 283 panukalang batas. Dalawa sa mga ito ay hinggil sa tax reformation at ang dalawa naman ay ang pagkaroon de kalidad na edukasyon sa mga paaralan. Marami rin siyang isinulong hinggil sa pag-angat ng antas ng kabuhayan

Bilang mambabatasm sariwa pa sa isipan ng publiko ang pagsampa ni Marcoleta ng may 283 panukalang batas. Tatlumpo’t siyam dito ay naisabatas na samantalang dalawa sa mga ito ay hinggil sa tax reformation at ang dalawa naman ay ang pagkaroon ng de kalidad na edukasyon sa mga paaralan. Marami rin siyang panukalang isinulong hinggil sa pag-angat ng antas ng buhay at para sa kapakanan ng mga mamamayang Pilipino.

MULA SA ANGKAN NG MGA MAGSASAKA

Si Rep. Marcoleta ng Social Amelioration and Genuine Intervention on Poverty o SAGIP partylist ay mula sa pamilya ng mga magsasaka sa Paniqui, Tarlac. Pangalawa siya sa siyam na magkapatid.

Lubhang pinahalagahan ng mambabatas ang edukasyon kahit ang pamilya nito’y naghihikahos noong araw. Lumaban ito sa hamon ng buhay nguni’t positibo nitong sinuong ang lahat.

Tinamo nito ang doctorate degree sa Public Administration mula sa University of the Philippines sa Diliman. Quezon City noong 2020 samantalang ang kanyang master’s degree sa kursong Business Administration ay mula sa Uiversity of the East at kumuha rin siya ng kursong Developmental Leadership sa Harvard Kennedy School.

Matatandaang noong 2017, ay isa si Marcoleta sa 54 mambabatas na kumontrang ibalik ang death penalty at bumoto naman siya na magkaroon ng libreng matrikula sa kolehiyo..

Co-author din si Marcoleta sa panukalang-batas na naglalayong magbigay ng libreng basic medicine services sa mga mamamayan at pati na sa magna carta para sa mga mahihirap.

Ang iba pang panukakalang-batas na isinusulong ng partylist representative ay ang proteksiyon ng mga Filipino consumers sa patuloy na pagtaas ng presyo ng LPG gas mula sa LPG industry.

Isang panukala pa ay naglalayong paigtingin ang industriya ng renewable energy sa pamamagitan ng green energy auction program.

Ang House Bill 163 naman ay naglalayong magtayo ng renewable energy sa may Laguna de Bay upang itaas ang renewable energy capacity ng bansa at paglalagay ng pondo para rito.

Mapapansing maraming isinusulong na panukala si Marcoleta para sa kapakanan ng mga dukha o mahihirap at ang HB176 ay naglalayong bumuo mg Overseas Filipino Workers social security at retirement.

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …