Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
explode grenade

Sa Laurel, Batangas
GRANADA SUMABOG SA BUS TERMINAL

NABULABOG ang isang passenger bus terminal sa bayan ng Laurel, lalawigan ng Batangas, nang sumabog ang isang hinihinalang granada nitong Linggo ng umaga, 10 Setyembre.

Ayon sa ulat ng Batangas PPO, nagulantang ang isang guwardiya sa isang malakas na tunog dakong 3:50 am kahapon, sa Magnificat Transport Terminal na matatagpuan sa Brgy. Bugaan East, sa nabanggit na bayan.

Lumabas sa imbestigasyon na may isang hindi kilalang lalaki ang naghagis ng isang granada sa isang nakaparadang bus na walang sakay.

Dahil sa pagsabog, nabasag ang salamin sa mga bintana ng bus habang siyam na iba pang bus ang bahagyang napinsala.

Walang naiulat na nasugatan sa insidente ng pagsabog.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa likod ng insidente. ###

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …