Friday , November 15 2024
Bulacan BIDA Bikers

Programang “BIDA” inilunsad sa Bulacan

Inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Bulacan, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng lalawigan, ang programang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) nitong Linggo, 10 Setyembre, sa Bulacan Sports Complex, sa lungsod ng Malolos.

Naging matagumpay ang programa sa masigasig na paglahok ng iba’t ibang stakeholders kabilang ang mga ahensiya sa national government at civil society organizations (CSOs) mula sa lalawigan.

Dumalo sa okasyon sina SILG Benhur Abalos, Gov. Daniel Fernando, Vice Gov. Alexis Castro, at mga kinatawan sa mga distrito ng Bulacan tulad ni Cong. Salvador Pleyto, at Cong. Danny Domingo.

Sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Relly Arnedo, aktibong sumali ang mga tauhan mula sa Bulacan Provincial Police Office (PPO) sa Zumba sessions at fun bike activity na kabilang sa bahagi ng programa.

Ang pangunahing layunin ng programang BIDA, na kasalukuyang inisyatibong adbokasya ng DILG, ay pagyamanin ang suporta at  paglahok ng  LGUs, kasama ang mga ahensiya ng gobyerno at local stakeholders.

Nais makamit ng pinagsama-samang pagsisikap na ito na epektibong mapataas ang kamalayan ng publiko kaugnay sa kahihinatnan ng paggamit ng ilegal na droga, mabawasan ang pagkalat ng ilegal na droga, at labanan ang dungis na bumabalot sa drug addiction sa community level.

Bilang bahagi ng kanilang tungkulin, gumaganap ang Bulacan PNP ng mahalagang papel sa pagtataguyod ng kaligtasan at aktibong nagtatrabaho upang mapigilan ang banta ng ilegal na droga sa rehiyon. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …