Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kazel Kinouchi 2

Kazel okey lang makahon sa pagiging kontrabida

RATED R
ni Rommel Gonzales

KONTRABIDA, maldita si Zoey Tanyag, na ginagampanan ng Sparkle actress na si Kazel Kinouchi, sa kapwa niyang doktora si Analyn Santos na ginagampanan naman ni Jillian Ward bilang bida sa top-rating Kapuso series na Abot Kamay Na Pangarap.

Kilala ang karamihan sa mga Pinoy telenovela fans na mabilis maapektuhan ng kanilang napapanood, kaya marami ang galit kay Zoey/Kazel.

Naranasan na ba ni Kazel na makaharap ng mga bayolenteng fans kapag nasa pampublikong lugar?

“Fontunately, wala pa naman po akong na-e-experience na ganoon kasi hindi pa naman ako masyadong lumalabas,” at tumawa ang aktres habang kausap namin via Zoom kamakailan.

“Pero malay natin baka kapag lumabas ako may mga ganoon,” at muling natawa si Kazel.

Pero noong huli po kaming nag-mall show sa Pampanga mayroong caught on video na ‘yung mga tao, ‘Oh Zoey huwag mo nang awayin si Annalyn’, may mga ganoon.

“Pero ‘yung manakit naman po physically, wala pa naman,” kuwento ni Kazel.

‘Pag natapos na ang AKNP, payag ba si Kazel na sa susunod niyang proyekto ay kontrabida siyang muli o magre-request siya sa GMA at sa Sparkle na “pabaitin” muna siya?

Kung ano naman po ‘yung ibigay sa akin, siyempre that’s work, so tatanggapin ko po ‘yun.

“Kung ano man po ‘yun, thankful po ako kung ano man ang ibigay sa akin, kasi po para sa akin kung ano ‘yung nandiyan it means that it’s meant for me.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …