Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trader puputulan ng koryente, nagbigti

NANGAMBANG maputulan ng koryente ang kanyang bahay kaya nagawang magbigti ng isang negosyante sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Wala nang buhay nang makita ang biktimang si Ernesto Mata, ng Aries St., Gremville Subdivision, Barangay Bagbaguin.

Batay sa ulat ng pulisya, 6:00 ng umaga kamakalawa nang matagpuan ang bangkay ng nakabigting biktima sa loob ng kanyang bahay.

Isang kliyente ng biktima ang nagtungo sa kanyang bahay upang kunin ang ini-order na buko salad kay Mata, ngunit laking gulat nang madatnan ang nakabiting bangkay ng biktima sa nylon cord.

Sinabing sobrang kapos sa pera ang biktima at nakadagdag pa ang “notice of disconnection” mula sa Merlaco  kaya umano nagpakamatay.

Nagsasagawa pa rin ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang mabatid kung sadyang nagpakamatay ang biktima o may naganap na foul play.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …