Friday , November 22 2024

6 suspek sa Davantes kinasuhan na

PATONG-PATONG na demanda  ang isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group ng National Capital Region Police  laban sa  anim na suspek sa pagpatay sa advertising executive na si Kaye Davantes.

Ang kaso ay isinampa  ng CIDG-NCR sa tanggapan ni Prosecution Attorney Omar Casimiro ng National Prosecution Service ng Department of Justice  sa mga suspek na sina: Reggie Diel,   Lloyd Benedict Enriquez,  Samuel Decimo,  Kelvin “Jorek” Evangelista,  Jomar Pepito at  Baser Minalang

Ayon sa CIDG-NCR, may sapat na probable cause upang isailalim sa preliminary investigation sa kasong qualified carnapping at robbery with homicide ang mga suspek.

Batay sa impormasyon mula sa Special Investigation Task Group Kaye, ang tiyuhin ng biktima na si Vicente Davantes ang humarap kay Casimiro bilang complainant.

Ang mga suspek na sina Diel at Enriquez ay hawak ng CIDG-Southern Metro Manila habang si Decimo ay nasa kostudiya ng NBI.

(L. BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *