Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Diaz Francine Diaz Seth Fedelin

Ashley boto kay Seth para kay Francine

ni Allan Sancon

SPOTTED sa premiere night ng bagong horror movie ng Viva Films na Mary Cherry Chua ang Kapamilyaactress na si Francine Diaz para suportahan ang best friend na si Ashley Diaz na introduring at isa sa mga bida sa horror film na ito.

Bago nagsimula ang Red Carpet ay nakausap ng ilang press sina Francine at Ashley tungkol sa kanilang pagiging magkaibigan.

Personal na inimbitahan ni Ashley si Francine na dumalo sa premiere night ng kanyang movie at hindi naman ito nagdalawang-isip na pumayag sa kanyang imbitasyon.

Natanong nga namin sa dalawa  kung isa ba sa pinagkakasunduan nila ay ang pagbibigay ng love advice? 

Parati po, isa po ‘yun sa mga bonding moments namin. Parang halos lahat naman po tungkol sa akin ay alam ni Ashley,” masayang sagot ni Francine.

Naitanong din namin kung paano naman sinuportahan ni Ashley si Francine noong nagkaroon ito ng issue sa past loveteam niya?

Of course as much as possible, I’m there for her at the same time I let her do her own thing. Hindi ko pinipilit ‘yung sarili ko sa mga gusto kong i-advice sa kanya, I wait her to come to me. Malakas to eh, she is a strong person,” pahayag ni Ashley.

Boto ba si Ashley kay Seth Fedelin para kay Francine?

Ako, kung kanino siya masaya, go!. Kung sino ‘yung nag-a-allow ng growth for her, go!. Pero para sa akin kaya niyang maging masaya ng s’ya lang,” saad ni Ashley.

Pangarap nilang dalawa na magkasama sa isang project kung bibigyan sila ng pagkakataon.

Tungkol naman sa pelikulang Mary Cherry Chua nagsisigawan ang mga nanood ng premiere night dahil sa gulat at takot. Maraming kaabang-abang na eksena na hindi n’yo dapat palampasin.

In fairness naman kay Ashley sa pelikulang ito, kahit 1st time niyang nagbida sa isang movie ay nakipagsabayan din naman siya ng acting sa kanyang amang si Joko Diaz

Bukod kay Joko ay makakasama rin ni Ashley sina Alma Moreno, Kokoy de Santos, Abby Bautista, Krissha Viaje, Lyca Gairanod at marami pang iba. This is directed by Roni Benaid na nagsimula  nang ipalabas sa mga sinehan kahapon, July 19, 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …