Monday , December 23 2024
Airport Shoe removal

Kahit kinuwestiyon ni Biazon
HUBAD-SAPATOS SA NAIA SECURITY SCREENING TULOY

KINUWESTIYON man ni Muntinlupa City Mayor  Ruffy Biazon ang pagtatanggal ng sapatos sa security screening sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), inirerespeto umano ito ng Office for Transportation Security (OTS), ngunit ipagpapatuloy ang nasabing proseso.

Ayon kay OTS Administrator, Undersecretary Mao Aplasca, inirerespeto nila ang opinyon ng alkalde sa pag-aalis ng sapatos ng mga pasahero, pero mauunawaan din ng LGU official kung siya ay nasa posisyon ng OTS .

Tumanggi si Aplasca na idetalye sa publiko ang mga security policy at procedures na isa sa mga dahilan kung bakit kailangan alisin ang mga sapatos ng mga pasahero sa tuwing dumaraan sa final security check point sa paliparan partikular sa NAIA terminals.

Binigyang-diin ni Aplasca, matagal nang ipinaiiral ang nasabing patakaran at nitong nakaraang linggo ay pinahigpit ang implementasyon upang matiyak ang seguridad ng air riding public.

Sinisikap umano ng OTS na gawing balanse at maginhawa ang paglalakbay ng mga pasahero tulad ng pagtatanggal ng initial security checkpoint sa mga entrance ng NAIA.  

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …