Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nikki Co Bong Revilla, Jr

Nikki Co natakot kay Sen Bong

RATED R
ni Rommel Gonzales

NA-INTIMIDATE si Nikki Co kay Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.

Kasama kasi si Nikki sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis na bida si Sen. Bong at sa pakikipag-usap namin sa kanya inamin nito ang naramdamman nang makita ang senador.

Very intimidating nga siya at first, oo noong una,” at natawa si Nikki.

“Siyempre si Sen. Bong iyan tapos well-known actor.”

Napanood daw ni Nikki ang dalawang pelikulang pinagbasehan ng kanilang bagong GMA action/comedy series. Ipinalabas sa mga sinehan ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis noong 1994 na sinundan ng sequel nitong Yes Darling: Walang Matigas Na Pulis 2 taong 1997.

Mahilig po kasi ako sa mga lumang pelikula,” ayon pa kay Nikki.

Bago pa man siya mapili bilang isa sa mga cast ng serye ay nakakapanood na siya ng mga pelikula ni Bong sa mga online streaming app.

Gumaganap si Nikki bilang si Dustin na isang estudyanteng nag-aaral maging pulis.

Bukod kina Bong at Nikki, nasa cast din ng serye sina Beauty Gonzales, Niño Muhlach, Carmi Martin, Max Collins, Kate Valdez, Kelvin Miranda, Jeric Raval, Maey Bautista, Angel Leighton, at si Raphael Landicho na napapanood din sa Voltes V: Legacy. Ito ay sa direksiyon nina Enzo Williams at Frasco Mortiz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …