Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo proud sa galing magluto ni Sarah

ni Allan Sancon

MASAYANG humarap sa media ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli at walang pasubali silang nag-share ng kanilang buhay mag-asawa.

Nakatutuwang panooring very sweet ang dalawa habang sinasagot ang mga tanong  sa kanila. Sa harap ng media, “love” ang kanilang tawagan. Katulad na lamang ng tanong kung sino sa kanila ang madalas maghugas ng pinggan pagkatapos nilang kumain. Na sinagot naman ni Matteo na si Sarah dahil pagkatapos niyang kumain ay nagmamadali na siya para pumasok sa trabaho. 

Natanong din kung sino ang mas madalas magluto? Ani Matteo, “For your information po naka-graduate si Sarah ng Culinary Major in Baking kaya mas madalas at masarap siyang magluto sa aming dalawa” 

Nang matanong ukol sa kung sino ang mas madalas pumasok sa business venture, buong pagmamalaking sinabi ni Sarah na si Matteo. Sa kanya ang artistic side pero si Matteo ang may idea na pasukin ang kanilang mga negosyo. 

Ipinagmalaki pa ng mag-asawa na may balak silang mag-manage ng mga talent para makatulong sa nais maipakita ang kanilang mga itinatagong talento. 

Naitsika rin ng dalawa na mayroon silang itinayong G Studio sa Alabang area para sa mga nais mag-shoot o mag-recording sa bandang south area. 

At sa darating na big concert ni Sarah sa Araneta Coliseum sa July 7, 2023, sila na ang nag-prodyus ng concert kabakas ang Viva Entertainment

Si Sarah ang bagong celebrity ambassador ng Sun Life at inengganyo siya ni Matteo na mag-invest para sa kanilang future.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …