Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Contis Joross Gamboa

Joross ramdam ang sobrang panglalait kay Paolo Contis

ni Allan Sancon

SA kauna-unahang pagkakataon ay magsasama sa isang pelikula ang dalawang magaling na komedyanteng, sina Paolo Contis at Joross Gamboa sa bagong horror-comedy na, Ang Pangarap Kong Oskars.

Ani Joross, nabuo ang friendship nila ni Paolo nang gawin ang pelikulang ito. Dumating pa sa point na kinamusta niya si Paolo kung okay lang ito bilang host ng Eat Bulaga.

Noong unang labas niya sa ‘Eat Bulaga,’ tinext ko siya at tinanong, ‘okay ka lang ba bro?’ The next day tumawag siya at sinabing okay naman siya at nag-usap kami. I’m friend with everyone kahit si Ryan Agoncillo. Para sa kin sana matapos na ‘yung problemang ito sa ‘Eat Bulaga.’”

Aware ba si Joross na naba-bash si Paolo dahil sa pagho-host ng Eat Bulaga at anong support ang ibinibigay niya rito?

Oo, pero ako, nandito lang naman kapag kailangan, hindi ako ‘yung nagpupumilit na magbibigay ng payo, basta  need nila ako andito lang ako.”

Natanong din namin kung isa ba siya na inalok na mag-host ng Eat Bulaga kasama si Paolo?

Parang wala namang umabot sa akin na ganoon. Actually parang may offer sa akin sa Tiktok lang, baka roon ako. Hopefully guest-guest, kasi busy din ako.

“Ginagawa pa  namin ‘yung ‘Missing Husband’ na sana panoori  n’yo maybe this year ipalalabas. Hindi ko rin siguro matanggap kung may offer man sa ‘Eat Bulaga’ kasi busy din ako. Magja-Japan ako with my family tapos may raket ako sa Canada na almost 1 month ako mag-stay doon.”

Parehong bibida sa pelikulang Ang Pangarap Kong Oskars sina Paolo at Joross. Istorya ito ng magkaibigang producer at director ng isang pelikulang gagawa ng isang movie tungkol sa mga totoong aswang. Kasama nila sa pelikula sina Kate Alejandrino, Long Mejia, Jon Santos, Gian Magdangal, Faye Lorenzo, Milo Elmido, Yuki Takahashi, Junjun Quintana, Leo Bruno, Elaine Ochoa, Zweden Obias,  Joseph Villanueva, Ian Ignacio, Paeng Sudayan, VJ Mendoza, Victor Medina, Edmar Guanlao, at Jmee Katanyag. This is directed by Jules Katanyag showing this June 28, 2023 in cinemas nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …