Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xyriel Manabat

Xyriel iniyakan panghuhusga ng netizens sa kanyang katawan

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam ni Ogie Diaz kay Xyriel Manabat para sa kanyang YouTube vlog, inamin ng young actress na iniyakan niya ang ginagawang panghuhusga ng ilang mga tao sa kanyang pangangatawan.

“‘Yung height hindi naman ho. ‘Yung dibdib ko, hindi naman po, pero ‘yung pagiging unfair ng tao sa pagtanggap sa akin just because of my body type,” sabi ni Xyriel.

Patuloy niya, “Ayoko ho kasi nang pinatatahimik ako ‘pag alam kong tama ako eh. Ayoko po na hindi ko naipaglalaban ang sarili ko ‘pag alam ko pong ako ‘yung hindi mali.”

Wala ring problema kay Xyriel kung may hahanga o may makakapansin sa kanya. Ngunit hindi tamang ihambing siya sa iba.

“Okay lang po na hangaan nila, okay lang po na ma-notice nila pero ‘wag nilang bibigyan ng double standard na parang ‘dapat ito lang ako, kasi sila ganito lang.’ 

“Pareho kami ng damit ng isang artista or isang celebrity na ka-age ko or younger sa ‘kin. Pero dahil iba ‘yung body type niya, fashionable siya. Stylish, elegant. Pero ‘pag sa ‘kin, ano ba ‘yan nag-a-ask ng attention. Ano ba ‘yan iniluluwa pa. Grabe po silang mag-double standard sa bagay na hindi ko naman po kontrolado,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …