Friday , November 15 2024

 Rebeldeng NPA sumuko sa  Bulacan cops

Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang isang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Lungsod ng Malolos, Bulacan nitong Biyernes, Hunyo 16.

Batay sa ulat kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (BUL PPO), kinilala ang sumukong rebelde bilang si alyas Ka Ogie, 41, electronics technician, na miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB), at kumikilos sa coastal area ng Manila at Bulacan. 

Napag-alamang si alyas Ka Ogie ay nahimok na sumapi sa nasabing rebeldeng grupo para aniya sa pagbabago sa gobyerno.

Ayon sa Force Commander ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), dakong alas-12:30 p.m. sa Camp Alejo S Santos, Brgy. Guinhawa, Malolos, Bulacan, ang magkasanib na mga elemento ng PMFC, Bulacan PIU, 2nd PMFC, 301st MC RMFB, 24th SAC, 2SAB PNP SAF, at 70IB PA ang nagsaayos ng pagsuko ni alyas Ka Ogie.

Isinuko rin ni alyas Ka Ogie ang isang hindi lisensiyadong baril na cal..22 snub nose revolver na walang serial number, at anim na piraso ng bala ng  cal .38.

Ang sumukong rebelde ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng 1st PMFC para sa imbestigasyon at  custodial debriefing. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …