Monday , December 23 2024
Sheryn Regis Mel De Guia

Gusto Ko Nang Bumitaw ni Sheryn naisulat dahil sa in denial sa kanyang kasarian

ni Allan Sancon

ALL OUT na talaga si Sheryn Regis sa tunay niyang sexuality maging sa kanyang relationship sa isang member din ng LGBT, si Mel De Guia kaya natanong namin silang dalawa kung ano ba ang nagtulak sa kanila para umamin sa publiko ukol sa kanilang relasyon at ano ang maipapayo nila sa mga couple na even hanggang ngayon ay in denial pa rin sa kanilang sarili at sa kanilang relasyon?

“Ako kasi I was in denial before, alam ko ‘yung feeling ng mga closeted, pero I prayed na sabi ko,  at the age of 40, lalabas na ako sa aking cocoon and get out from my shell. 

‘Yung iba naman kasi given na closeted talaga sila. Sa amin ni Mel aside of being in the showbusiness, very open din kasi si Mel at wala syang itinatago. Nag-out kami hindi dahil we want attention, it’s for us to motivate them. Hindi naman kailangan maging lesbian ka or part ng LGBT para mag-open up ka in your life. 

“Sometimes expressing yourself and sharing your purpose in life, ‘yun ang importante,” pahayag ni Sheryn.

“At saka there’s no perfect timing po sa mga gustong  mag-out. For me dapat lang nating irespeto ‘yung mga ganoong klaseng tao. It takes time, kasi mahirap ‘yun para sa mga taong nahihirapang mag-out. 

“Minsan bigla na lang ‘yan eh, ‘ay okay handa na ako, walang sapilitan.’ Iba ‘yun eh. Hintayin n’yo nalang,” dagdag pa ni Mel.

Dumating ba sa point  na naisip ni Sheryn na baka kapag nag-come out siya ay maapektuhan ang kanyang career at husgahan siya ng tao?

“Yes, naisip ko rin ‘yan, even si Mel naisip din ‘yan. Kasi pwedeng maapektuhan ‘yung career ko eh. Naisip ko rin na baka pati ako ay ma-disowned ng aking pamilya at relatives ko.  Pero, I know naman na my family is supporting me. 

“Ang naisip ko ay ‘yung career ko, baka wala ng endorsement, na baka maging iba ‘yung tingin nila sa akin. Dati ganyan ako. Pero now I’m okay. Alam n’yo bang,  kaya naisulat ko ‘yung part ng kantang ‘Gusto Ko Nang Bumitaw’ dahil sa pagiging in denial ko na ‘yan.

“‘’Yung part na umiiyak gabi-gabi, walang tinig na naririnig, nakikipaglaban sa digmaan na talunan, hanggang kailan.’  ‘Yan yung ibang part na naisulat ko. Kasi pagod na talaga akong magtago sa tunay na ako,” kuwento pa ni Sheryn.

Hindi natin alam na si Sheryn pala ang sumulat  ng famous song niyang Gusto Ko Nang Bumitaw sa tulong din ni Jonathan Manalo para mabuo ‘yung awitin.

Kung bakit Sheryn Regis All Out ang title ng kanyang concert this coming July 8, 2023 sa Music Museum, ito ay dahil sa bukod sa mga rebelasyon nilang dalawa sa press conference ay marami pa silang  pasabog at revelation na hindi pa natin alam. 

 Tiyak kakantahin din ni Sheryn ang mga pinasikat niyang awitin 20 years ago sa kanyang All Out concert.  

Natanong din natin si Sheryn na sa 20 years niya sa showbiz ano ang maituturing niyang milestone ng kanyang career.

“May mga napasikat akong kanta sa mga teleserye. When raising my kid in America, napunta ako ng America dahil sa pagkanta ko. When I survived sa aking thyroid cancer, I’m still alive and kicking, and finally ‘yung napaamin ko ‘yung sarili ko at hindi na ako in denial about my sexuality, I’m all-out.”

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …