Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shira Tweg

Matapos maging young Sharon Cuneta
SHIRA TWEG BATANG NORA NAMAN ANG GAGAMPANAN

UNTI-UNTI nang gumawa ng sariling pangalan sa showbiz industry ang 16 year old singer/actress na si Shira Tweg. Matapos gumanap bilang young Sharon Cuneta sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2022 movie na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, The Rey Valera Story ay nag-launch naman ito ng kanyang kauna-unahang single na pinamagatang Pag-ibig under Star Music.

Bata pa lang itong si Shira ay pangarap n’ya na talagang maging singer at artista. Very promising din naman ang acting ng batang ito dahil napanood din ang acting nito sa isang advocacy film about AIDS na pinamagatang Sugat sa Dugo kasama ang magagaling na actress na sina Janice de Belen at Sharmaine Arnaiz.

Natanong tuloy ng ilang press kung sino ang pinapangarap niyang makatrabaho sa mga susunod niyang projects.

Daniel Padilla po, I’m a big fan of KathNiel. Pinanonood ko po lahat ng pelikula ng KathNiel. Kahit younger sister lang po ni Daniel po. Okay na po sa akin,” pahayag ni Shira.

Matapos gumanap bilang young Sharon may nilulutong project sa kanya at  gagampanan naman ang young Nora Aunor.

May niluluto pong project para sa kin na ako raw ang gaganap na young Nora Aunor, pero ‘di pa po sure ‘yun. Sana po matuloy dahil, it’s an honor para gampanan ang role ng isang young Nora Aunor, our National Artist.”

Kamakailan ay inilunsad ang kanyang latest single na Pag-ibig sa Music Box kasama ang kanyang co-artist na sina Christi Fider na inilunsad naman ang latest EP kasama ang kantang Reyna at Fake. Kasama rin ang sikat na Tiktoker at pinakamasungit na tindera sa social media na si Bernie Batin inilunsad din ang kauna-unahan niyang single na Utang Mo. (Allan Sancon)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …