Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ricky Davao GF Malca Darocca

Ricky Davao ipinakilala bagong non-showbiz GF

ni Allan Sancon

HINDI nakawala si Ricky Davao sa tanong ng mga press tungkol sa kanyang lovelife. Noong una ay puro yes lang ang sagot niya, pero naglaon ay sinagot na rin ang ukol sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Malca Darocca na aminado siyang  mas bata sa kanya. 

More than 1 year na kami, medyo matagal-tagal na rin pero medyo quiet lang ako pagdating sa lovelife ko. Pero nagkakilala kami through a common thing….about food. Pareho kami ng hilig na pagkain.”

Nausisa tuloy namin kung may balak pa ba siyang magpakasal at his age now.

Hindi ko isinasara ang sarili ko sa ganyang bagay pero I’ved been there already. Hindi ko alam eh, mahirap eh. Kasi siyempre habang nagkaka-edad ka, minsan hinahanap mo rin ‘yung may kausap, companionship, kakwentuhan, ka-share ng something. 

“Siyempre ‘yung mga anak mo medyo lumalaki na rin at may kanya-kanya na ring buhay. Nandyan pa rin naman sila to listen, not just to listen medyo nakikialam na rin,” pagbabahagi pa ni Ricky nang makausap namin ito sa presscon ng Monday First Screening na bida sila ni Gina Alajar handog ng Net 25 Films at idinirehe ni Benedict Mique.

Aware rin ba si Jackie Lou Blanco sa bagong nyang lovelife ngayon?

Oo naman, it’s an open book. Pero ako kasi, I’m not very open about it. Pero dahil friends ko kayo na press, napa-yes n’yo ako about my lovelife. Kasi ayaw ko namang magsinungaling sa inyo. I’m a very outgoing person pero pagdating sa personal kong buhay medyo private ako.”

Naka-relate si Ricky sa karakter niya sa kanyang bagong pelikula ng Net25 Films na Monday First Screening dahil pwede pa pa lang mainlove ang isang tulad niya na senior citizen na.

Aabangan sa pelikula ang kissing scene nila ni Gina na kahit senior citizen na sila ay maiin-love ka pa rin at kikiligin sa kanilang love story sa pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …