Sunday , December 22 2024

MNLF Misuari faction kinasuhan sa Zambo

SINAMPAHAN na ng criminal charges ng PNP Criminal Investigation and Detection Group ang grupo ng Moro National Liberation Front (MNLF) Misuari faction na responsable sa madugong standoff sa lungsod ng Zamboanga na ikinamatay ng marami at ikinasugat ng iba pa.

Ayon kay CIDG spokesperson Chief Insp. Elizabeth Jasmin, kasong rebelyon at paglabag sa Republic Act 9851 (Crimes Against International Humanitarian Law) ang isinampa laban sa mga komander na kinabibilangan nina Asamin Hussin, Bas Arki at Handji Ami Adjirin.

Sinampahan din ng kaparehong kaso ang 25 folowers ni Misuari na una nang inaresto at nakakulong ngayon sa Zamboanga City Police Station.

Inihayag ni Jasmin, mismong si CIDG Region 9 head, S/Supt. Edgar Danao ang nanguna sa pagsampa ng kasong kriminal.

MILITARY OPS VS MALIK PINAIGTING NG MILITAR

PINAIGTING ng mga tropa ng gobyerno ang pagtugis kay Moro National Liberation Front (MNLF) Commander Habier Malik, ang tinuturong lider ng mga armadong rebelde na sumalakay sa lungsod.

Ayon kay Crisis Committee at Armed Forces of the Philipines (AFP) spokesperson, Lt/Col. Ramon Zagala, nakasentro na ang kanilang operasyon sa paghahanap sa natitira pang mga miyembro ng MNLF Misuari faction.

“Naniniwala po tayo na nandoon pa siya sa loob nitong areas of constriction at patuloy ang ating pag-o-operate para siya na po ay eventually makuha na natin,” ayon sa opisyal.

Una rito, pursigido ang Malacañang na mahubaran kung sino man ang financier ng grupo na umatake sa Zamboanga City.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ito ang dahilan kaya iniutos ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ang imbestigasyon kung bakit mistulang hindi nauubusan ng ammunition o bala ang MNLF-Misuari group makalipas ang ilang araw.

Ayon kay Valte, makikita na lamang sa mga susunod na araw kung sino ang nagpopondo sa ‘war chest’ ng mga rebelde dahil nagagawang makipagsabayan ng putukan sa mga militar.

Sa ngayon aniya ay nakatutok ang gobyerno sa clearing operations at mailigtas ang natitirang bihag ng mga tauhan ni Misuari sa pangunguna ni Habier Malik.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *