IGINIIT ni McCoy de Leon na hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang bad boy character niya sa FPJ’s Batang Quiapo.
Ginagampanan ni McCoy ang laging galit o may pagkakontrabidang karakter na nakababatang Kapatid ni Coco Martin (Tanggol), si David.
“‘Yung pakiramdam ko once in a lifetime kasi itong show na ito. Si David iba ‘yung impact sa akin hindi lang sa career ko sa pag-acting kundi pati sa buhay ko. Siyempre ‘yung ganoong bagay na ganoon.
“Hanggang ngayon inaaral ko pa rin sa totoo lang. Siyempre sa tulong din ni direk Coco,” anito sa isinagawang media conference ng FPJ’s Batang Quiapo kamakailan.
Itinuturing ni McCoy na blessings ang pagkakasama sa FPJBQ lalo’t pawang mga magagaling ang kasa-kasama niya tulad nina Charo Santos, Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Cherry Pie Picache, at John Estrada bukod pa kay Coco.
“Noong first week talaga, kinakabahan ako kasi siyempre nasa isang table kami nina Ms. Charo, sir John, Ms. Pie. Sabi ko hindi lang ‘yun ang puwede kong maibibigay. Kailangan mayroong kakaiba. Na dapat may iba,” sabi pa nito na sa loob ng tatlong buwang pagpapalabas ay epektibong nagampanan ang karakter ni David dahil marami ang talagang namumuhi sa kanya.
At isa sa pinag-uusapang eksena ay ang pagkakabugbog sa kanya ni Coco dahil nahuli siyang ninakawan niya ito ng pera.
Ani Coco, okey lang na mabugbog siya ng aktor/direktor.
“Natutuwa pa ako noong binubugbog ako ni kuya Coco,” natatawang pagbabahagi nito. “Ang sakit na ng ulo ko pero sabi ko okay lang kasi gusto ko ‘yung ginagawa ko.
“Siguro ‘yun ‘yung susi. Nasa puso mo ‘yung ginagawa mo at ini-enjoy mo. Si direk (Coco) napaka-generous sa lahat ng larangan sa buhay. Hindi lang sa eksena. Napaka-generous talaga,” sambit pa ni McCoy.
Kapalit ng epektibong pagganap ni McCoy ang kabi-kabilang bash pero aniya, okey ang iyon sa kanya.
“Mas natutuwa nga ako ngayon eh. Iba na ngayon eh. Mas natutuwa ako kasi mas nagagawa ko ‘yung trabaho ko ng maayos. ‘Yung magulang ko lang siguro ‘yung medyo hindi. ‘Yung magulang ko sa totoong buhay, sabi sa akin, ‘Kailan ka ba babait diyan?’ Sabi ko, ‘Ginusto ko ‘to eh.’”