SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
HINDI nagdalawang-isip si Maja Salvador na tanggapin ang bagong game show na iniatang sa kanya ng APT Productions, ang Emojination na pagsasamahan nila ni Awra Briguela na mapapanood sa TV5 simula Mayo 14, 5:00 p.m..
Katwiran ni Maja, sobra-sobra ang pagmamahal sa kanya ng APT family kaya naman sobra-sobra rin ang pagpapasalamat niya rito.
“Pandemic pa naman ay naramdamn ko na ang love sa akin ng APT family so, marami akong first experience sa kanila. At heto sila pa rin ang unang nagbigay sa akin ng unang game show at para ibigay sa akin ito, sobrang laki ng pasasalamat ko dahil grrbe ang tiwala nila sa akin.
“Kaya naman yes na yes kaagad lalo na ang title pa lang, interested na ako and then noong sinabi kung paano tatakbo ang game show, doon ako lalo na-excite, andoon na naman ‘yung mga butterfly sa stomach ko, kinilig na naman ako,” masayang pagbabahagi ni Maja sa isinagawang press conference kahapon ng hapon sa Studio 4 ng TV5.
Naibahagi pa ni Maja na pandemic pa sinabi sa kanya ang project na game show, “Six months ako naghintay para sa tamang panahon para maipalabas na ito at finally ito na at ramam ko naman na lahat eh nag-eenjoy. I think it’s a good decision nag-yes ako,” sabi pa ni Maja na bago ang presscon ay nagpatikim muna sa ilang miyembro ng entertainment press kung paano laruin o maging contestant ng kanilang Emojination.
Wala namang pag-aalinlangan at go agad si Awra nang ialok sa kanya ang proyektong ito. Bukod kasi na si Maja ang kasama niya, first time niyang magtatrabaho sa ibang network.
Unang nagkasama sina Maja at Awra sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.
“Ako naman po ang pinaka-on the go for the go, ‘yung tipong super go agad ako noong in-offer ito sa akin kasi first ever show ko ito na sa ibang network and first time kong maka-work ang APT kaya super go talaga ako. Kaya noong sinabi sa akin ni Ate Maja kunwari, last week go na rin agad, ganoon na kaagad ako,” sabi naman ni Awra na ipinagmalaki rin kung gaano siya kamahal ni Maja na ipinasuot pa sa kanya ang Versace shoes nito at pati damit at finger nails ay tinulungan siya ng aktres.
“‘Yung show talaga na ito ay first sa APT pero sa TV5 second ko na dahil ‘yung first ay with Kuya Aga Muhlach,” dagdag na sabi pa ni Awra na ipinagmalaki ring ini-spoiled din siya ng APT Productions.
At dahil kapwa first time na mag-host ng game show natanong sila kung paano nila ito pinaghandaan?
“Excited talaga agad ako noong binanggit sa akin ng APT family na magkakaroon ako ng game show at ako ang host. Parang ako kasi mahilig akong tumanggap ng mga project na matsa-challenge talaga ako. So nagho-host ako sa isang show (na ang ibig sabihin ay Eat Bulaga), pero different pala talaga kapag host ng isang game show.
“Dito kasi kailangan mong pag-aralan, hindi lang sa script kailangan (dumipende), kailangan mabilis din ang utak mo, kailangan talagang pati ikaw alam na alam mo ang mechanics niyong laro, niyong game show. At thru the help of our director, APT family andoon iyong makikita noong dry run namin nagbibigay sila ng comment kung ano ang kulang sa akin, kulang sa aming dalawa, anong mas dapat gawin pa. So kaya fun talaga, sobrang fun kapag nagte-taping kami ng emojination,” sabi pa ni Maja na ang makikita sa kanila ngayon ni Awra rito sa game show ay ang kanilang kakulitan side.
“Sobrang suwerte ako kasi alagang alaga ako ni ate na parang may anak siya. Ramdam na ramdam ko ‘yung love niya sa akin kahit noong bata pa ako hinahayaan niya akong gamitin ang artista van niya. Happy na happy ako talaga ako na si ate Maja ang kasama ko. At hindi ako masyadong naghanda, roon talaga ako naexcite sa games kasi noong ine-explain pa lang sa akin ang game natsa-challenge na ako and binigyan nila ako ng bawat example hindi ko masagot parang naaano ako naba-black out ako kaya lalo akong na-excite kasi pagaganahin talaga ‘yong imahinasyaon mo at common sense mo,” sambit naman ni Awra.
Sinabi pa ni Maja na binilinan silang i-enjoy lang nila ang pagho-host ng naturang game show. At sa totoo lang malaking tulong ang nagawa ng Eat Bulaga sa pagho-host ni Maja dahil magaling na siya at pwede na talagang maging host.
Ang Emojination ay larong itsa-challenge ang talas at galing ng invited celebrity contestants sa pag-solve ng emoji puzzles na magbibigay sa kanila ng chance na manalo ng big prizes.
May dalawang teams na maglalaban sa loob ng tatlong rounds. Sa first round na “Pic-Per-Word,” magpapakita ng four emojis na nagde-describe ng isang mystery word at kailangan mahulaan ng mga player kung ano ang salitang ito.
Ang third round naman ay ang “A Pair to Remember” na ang bawat team ay pakikitaan ng flip board na mayroong 20 emoji blocks at kailangan nilang tumakbo sa obstacle course hanggang ma-match nila ang nakakubling emoji pairs. Ang team na makakakuha ng pinakamaraming “emoticoins” ang makakarating sa jackpot round para sa tsansang manalo ng mas malaking premyo.
Ang Team na may maraming “Emoticoins” ay maaaring sumali sa Jackpot round na tinatawag na “Match Magaling” na ang teamwork ng magka-partner ay masusubukan dahil huhulaan nila ang 5 mystery compound words sa loob lamang ng 3 minuto. Kapag nahulaan ay makukumpleto nila ang Jackpot round at maiuuwi ang premyong na naghahalagang P50,000.
“Emojination is a fun and exciting game show that brings the universal language of emojis to life,” bahagi ni TV5 President at CEO Guido R. Zaballero. “We are thrilled to offer this innovative new show to our viewers and we look forward to the excitement and laughter it brings to every Filipino home every weekend.“
Kaya sumali na sa kasiyahang hatid ng mga emojis at manalo ng malalaking papremyo sa Emojination simula Mayo 14, 5PM sa TV5.