Friday , November 15 2024
Vaccine

   Mga SK chairman sa Bulacan hinikayat na makiisa sa bakuna sa Tigdas at Polio

Sa halip na limitahan lamang ang kanilang responsibilidad sa pagpapatupad ng mga proyektong may kinalaman sa larangan ng palakasan, hinimok ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga SK chairman na kanilang palawakin ang kanilang mga tungkulin sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga adbokasiya sa kalusugan sa kanilang mga barangay sa ginanap na Orientation of Measles Rubella-Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity sa Victory Church sa Lungsod ng Malolos, Bulacan noong Miyerkules.

Bunsod ng nakaambang banta ng tigdas at polio outbreak sa mga bata sa buong bansa, layon ng Provincial Health Office-Public Health na mabakunahan ng Measles Rubella Vaccine ang 280,614 na batang nasa 9-59 na buwan at ng Oral Polio Vaccine sa 328,506 na batang nasa 0-59 na buwan.

Sa kanyang mensahe, hinimok ni Fernando ang mga SK Chairman na lumahok sa programa at pinaalalahanan hinggil sa pangangailangan na agarang pamamahagi ng bakuna sa mga batang wala pang 5 taong gulang dahil sila ang nasa pinakamataas na panganib na magkaroon ng tigdas at polio.

“Ako po ay humihingi sa inyo ng tulong bilang inyong gobernador, nananawagan ako na tulungan natin ang mga barangay health workers at iba pang public servants na maihayag ang programa na ito dahil tayo rin ay concerned para sa mga kabataang Bulakenyo lalo na sa mga hindi pa nababakunahan,” anang gobernador.

Samantala, maaaring tumanggap ang mga bata ng bakuna laban sa tigdas at polio sa pamamagitan ng fixed facilities ng lokal na pamahalaan, post facilities, at house-to-house method na sinimulan ng mga SK chairman at mga miyembro nito.

Tatagal muka Mayo 1-30, 2023 ang pagbabakuna sa MR-OPV SIA kung saan kabilang rin ang pamamahagi ng Vitamin A sa mga batang wala pang 5 taong gulang.

Ayon sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), may kabuuang 41 hinihinalang kaso ng tigdas ang naiulat at naimbestigahan sa Bulacan na mas mataas ng 720% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …