Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Medical Cannabis Marijuana

Medical Cannabis laboratory, handang-handa na!

PINANGUNAHAN ni Dr. Richard Nixon Gomez, scientist at imbentor ng Bauertek Corporation, kasama ang buong pwersa ng media mula sa Radyo, TV, Print at Online, at ilang vloggers at kanilang binisita ang naturang laboratoryo kung saan ipuproseso ang medical cannabis o marijuana upang gawing gamot.

Ito ay gamot para sa ibat-ibang uri ng sakit  at malalang karamdaman, tulad ng: depresyon, epilepsy, Alzheimer’s disease, sleep disorder, anxiety at marami pang iba. Ang pasilidad ay matatagpuan sa 9001 Bacood, Sta Rita, Guiguinto, Bulacan.

Richard Nixon Gomez Medical Cannabis Marijuana

Ayon kay Dr. Gomez, sakaling maisabatas na ang paggamit ng Medical Cannabis o marijuana sa bansa, handang-handa na ang laboratoryo sa pagpuproseso para gawing medical tablet at medical oil ang cannabis. Maaari na itong isabay sa mga halamang gamot o food supplement na dati ng ginagawa simula pa noong itatag ang Bauertek Corporation noong Disyembre 16, 2019.

Ayon pa kay Gomez, nakahanda na rin ang pagtatamnan ng cannabis. Kapag tuluyan ng naisabatas para gawing medical cannabis ang marijuana, idadagdag na rin itong itatanim sa mga halamang gamot sa ibat-ibang lugar sa bansa.

Inikot ng buong media at ilan pang mga bisita ang laboratoryo at pasilidad ng Bauertek sa pangunguna ni Dr. Gomez. Kasunod nito ay isinagawa ang live Media Health Forum sa mismong studio na nakabase sa tanggapan ng Bauertek. Dito rin siya nagsasagawa ng kanyang Live na programa sa ibat-ibang tanggapan ng radyo para sa kanyang programang “Kaibigan at kalusugan.”

Ang kanyang programa sa Radyo na “Kaibigan at Kalusugan” ay may kaakibat na Free Consultation with Health Lecture, kagaya ng: Symptoms, Causes, Complications, at Intervention. Ito ay mapapakinggan sa Radio Veritas 846 KHz on AM Radio, www.veritas846.ph Monday – Friday 2:00pm -3:00 pm; DWWW 774 on AM Radio, www.774dwww.ph Monday – Friday 6:00 pm –7:00 pm ; DZWT 540 KHz on AM Radio, www.dzwt540.com, Monday – Thursday 7pm – 8pm; J101.5 FM Big Radio www.J101FM.wix.com/BIGRADIO, Saturday, 8:00 am– 9:00 am; DWZR 101.7 FMRadio, www.facebook.com/Birahee.

Sa ginanap na Health Media Forum, naging panauhin sina:  Chuck Manansala, President, Masikhay Research; Lui Manansala, Co-Convenor ng Seniors for MedCan Philippines; Lea Fullon, Program Director ng Haraya Policy Center.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …