Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiko Melendez Jay Khonghun

Aiko Melendez at Cong. Jay Khonghun, ikinasal na sa Europe?

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGPAHAYAG ng paglilinaw ang actress/public servant na si Aiko Melendez hinggil sa espekulasyon na ikinasal na sila sa Europe ng BF niyang si Cong. Jay Khonghun.

May mga nagtatanong daw kasi kay Ms. Aiko base sa FB post niya, habang siya’y nasa Paris, France, tungkol sa bagay na ito.

Post ni Ms. Aiko sa kanyang FB account:

“3 Press People na po ang nag Chat sa akin asking kung kinasal po ako sa Europe. Dahil sa mandatory picture sa eiffel tower. isahan nalang po para galing sa akin mismo po.

“Hindi po totoo, Kung sakali man ako ay papalarin na ikasal muli hindi ko ito ipagkakait sa mga kaibigan ko sa media. Kasi parte kayo ng buhay ko. Hindi ako maarte katulad ng iba na me privacy eme. Una sa lahat bat ka nag artista kung gusto mo privacy? Bat ka pumasok sa public service kng privacy hanap mo? Yan ang 2 trabaho na walang ganun. Kaya di ko pagdadamot yan. Ayaw ko na din sana sumagot ng kasal kasal issue kasi nakaka offend minsan parang mas sila pa me gusto kesa sa amin ahahhahaaha! Seriously kng ikakasal ako malalaman nyo lahat yan pangako. At di ko itatapat kng kelan malapit ang eleksyon ahahahahahah! Alam na this! Di ko gagamitin ang pribadong buhay ko para sa pulitika pero meron na akong ninang at ninong. At entourage . Ang tanong me groom na ba? Ahahahha chareeeeeeeng!!!!

“Sino sino sa tingin nyo mga ninang at ninong ko?”

So, malinaw na hindi pa po kasal sina Konse Aiko at Cong. Jay. At sakaling pakakasal ulit, idiniin ni Ms. Aiko na hindi niya ito ipagdadamot sa mga kaibigan sa media.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …